valentine's day
nanood kami ni lica ng the phantom of the opera sa rob pagkatapos ng klase ko, bumalik sa school para sa harana nila, at kumain ng lunch (around 5pm) sa chowking. ang adventure ng araw ko ngayon ay ang pagbili ng rosas.
maagang natapos ang hubehor class ko. 1030-1130 dapat pero 1100 pa lang, tapos na. pasimple akong nagmadali para makasakay ng jeep. plano kong bumili ng rosas sa libertad. ayoko sa malapit sa school kasi mahal at medyo awkward bumili ng regalo sa malapit sa lugar kung saan ibibigay ang regalo.
1140 ang next class. 1120 ako nakaalis. traffic. naglakad ako nang tumigil ang mga sasakyan at tila wala nang pag-asang umusad. primary objective - successful. return objective ang sunod. nakabalik ako sa classroom nang mga 12. sakto, 20 minutes late tapos hindi pa kaagad napasa ni sir ang attendance.
pagkatapos ng klase, pinuntahan ko si lica sa north gate kung saan niya ako hinintay. kanina lang, naisip ko na buti pala at hindi ako sa malapit bumili kasi mahuhuli ako. nakakailang din lang kasi ang makita ng reregaluhan ang pagbili.
nakakapagod pero sulit talaga.