Avocados

mga piling araw

Name:
Location: Makati, Philippines

Ignorance is bliss. I'm often better with numbers than with words. Notes... maybe. I am quite deaf and rather silent. I let my music compensate.

Monday, April 18, 2005

kakitiran

naglakad ako dahil sa transport strike.

sa paglalakad ko papuntang school at pauwi, naalala ko ang sinabi ng ilang kakilala--kalokohan daw ang pag-strike. hindi ko sila masisisi (kahit gusto ko) sa kakitiran ng utak nila. oo, silang sumasama sa strike ang malulugi at pinahihirapan lang nila ang mga tao. pero siyang nagsabi noon, malamang, hindi pa nakararanas kung paano ipaglaban ang isang prinsipyo. kung sakali man, bigo. pero sabihin mo lang iyon na hindi nilalagay ang sarili nang maigi sa katayuan ng mga tsuper, duwag ka!

Monday, April 11, 2005

sunset sa rooftop

talagang may significance sa akin ang rooftop at sunset. kanina, sa burgandy taft, sabay at sa ibang set ng mga kaibigan--sina lica, patrick, max, jeff, at vic. (max = sheila; vic = vicky.) hindi rin nawala ang simbolismo ng pagpapalit mula araw pagabi. ang ganda ng paglubog ng araw. ang ganda ng nakangiting buwan. ang ganda ng mga ilaw ng siyudad. ang sarap ng hangin. ang sarap ng pakiramdam. ang ganda, ang sarap ng pagkakaibigan.

Saturday, April 09, 2005

may patutunayan ako

pag nalaman mong hindi ka pala kilala ng iba, mapapaisip ka, hindi mo rin ba kilala ang sarili mo? pero ang tanong ko, mahalaga bang alam mo ang lahat tungkol sa sarili mo? syempre, hindi naman tama ang maging clueless. but leaving some mystery and unpredictability, it doesn't make anything less true. so long as you believe something true, then it is.

sa buhay, sa prinsipyo, sa pag-ibig, masarap may mapatunayang totoo. kahit may natitirang misteryo at di kasiguraduhan, hindi nababawasan ang pagiging totoo nito. lalo na sa pag-ibig.

Thursday, April 07, 2005

when astrology seems right

Daily extended (by Astrology.com)
You've always felt that it is better to keep your mouth closed and appear a fool than to open it and remove all doubt. At the moment, however, you've got a lot on your mind -- and in your heart -- and you really want to let it all out. So stop worrying about seeming a fool. First off, you won't. The only thing you'll seem like is a fool in love -- and there's nothing better.

horoscope ko sa yahoo ngayon. sabi nga ni arun noong minsan, pwedeng i-relate ang kahit anong statement.

sobrang daming bagay sa puso't isip ko. malapit na ang bakasyon. sana hindi mali ang mabuting pakiramdam ko sa kasalukuyan. kahit na alanganin at may maituturing na suliranin, sa dulo, magiging masaya ang lahat--sa acad, sa pag-ibig, sa buhay.

masarap lang alalahaning optimistic ako.