lunes na pala.
naniniwala ako
nagpunta kami -- mga razon at ang -- sa lucban quezon noong sabado para dumalo sa healing mass sa kamay ni hesus parish. pagkatapos sabihin ang maraming mass intentions, nag-misa nang karaniwan.
sa labas kami dahil marming tao. pero kaunti pa raw noon dahil mga isang libo lang daw ang tanya niya, ayon sa pari. bandang simula ng misa, nakaramdam ako ng kalokohan sa loob ng tiyan ko.
umalis kami ng bahay nang 5:30 at dumating sa simbahang nang mga 9:00. naka-improvised sleeping position ako para sa gitnang likod na pwesto ng van. isang pandesal lang ang kinain ko na keso ang palaman. bale ang laman ng tiyan ko ay pandesal, keso, hapunan noong nakaraang gabi at gatas na ininom bago umalis. tila iyon ang patalo kasama ng gastric juices sa halos walang laman kong tiyan.
medyo katawa-tawa pero seryoso rin ako sa pagsabing isa sa mga healing na naranasan ko ay ang pagkaalis ng sakit ng tiyan ko malaking bahagi'y dahil sa malinis na cr sa likod ng simbahan. sulit ang donasiyon.
pagkatapos ng misa ay ang prayer healing. may ilang dasal bago ang proper pero sa dasal pa lang, masasabing naramdaman na ang presensya ng Diyos. sa pagsalita ng pari na sumasabay sa hampas ng hangin at init ng mga palad ko, alam kong totoo ang pinaniniwalaan ko.
hindi na kami pumila para sa prayer healing bagkos umakyat sa grotto. 303 baitang ang bilang ko paakyat. hindi na tumuloy si mama hanggang sa taas dahil napagod. high blood. sa taas at pagkababa, nakaramdam ako ng pagod at sakit ng katawan pero gusto ko ang pakiramdam ng pagtagaktak ng pawis. dala siguro ng lugar at pakay.
bumili si papa ng dalawang de-tiklop na sombrero bago kami umuwi. medyo nahilo ako sa biyahe kaya medyo wala akong ganang kumain sa jollibee sa tabing ilog area. hindi namin nakita ang mga bahay nina rovic.
dala ni papa ang digicam ng pcc at nakakuha pa ako ng isa ng isang puno. naalala ko kasi yung puno sa my sassy girl.
holy sunday
araw ng mga nanay at pista ng asunsyon. 5:00 kami nagsimba. ang balak ko sana, pipinturahan ko ang gitara ko pagka-almusal pagkasimba pero dahil sa sakit ng katawan, nagpahid ako ng bengay.
dahil sa aking improvised position sa sasakyan noong sabado, naisip kong hindi sorethroat kundi muscle pain ang sakit sa leeg ko. pinahiran ko ng bengay at ilang saglit lang, humapdi na. naparami ang katangahan ko. umakyat ako para dampian ng twalyang tuyo at nakatulog.
nagpunta si kuya joemer para sa mga pasalubong. (tumigil at namili sina tita sa original. wala na rin pala iyong beetle sa may riles sa laguna.) nagpipinta ako ng gitara noon. ok na sana noong simula ang pagpinta ko. pero nang lumaon, nawala ang pasensya ko. ganun uli. hindi consistent ang texture. ok na sanang dull pero nagkaroon ng gloss na patsi-patsi. naubos pa ang spraypaint kaya hindi ko na naayos. owel. nasa tunog naman iyon at sa ibang araw na lang.
ang problema, nakalimutan kong sumikip pala ang butas para sa tuning keys. nagka-kalyo tuloy ako sa pagtotono. napansin ko pang baliktad ang pinili kong dulo ng bass sa nakalagay sa bridge (na mula noong huling palit). siguro kasama sa healing ang pagkabawas ng pagiging burarang perfectionist ko. hindi ako na-depress sa imperfection.
ilang beses ko lang nabati si mama, at isang simpleng sulat na sinigurado kong hindi madrama ang regalo ko. non-senti is good.
mabuti ang pakiramdam ko sa mga nagdaang araw. may mga pagkakataon para malungkot o sumama ang pakiramdam pero naiwasan kahit papaano. sana magtuloy-tuloy.