satisfaction and hope
1.0, 1.5, 1.5. ayos na ang mga grade na iyon para sa isang taong kabado bago matanggap ang mga course card.
pagdating sa thesis, matapos ang ilang araw ng pagbawi sa pagkakamali, muling nabuhay na pag-asa ang natitira sa amin. naging mahirap, mabigat, at malungot ang mga araw na iyon, kahit maliit na pag-asa lang, kaysa naman wala. may lugod ding kasama sa paggawa nang sama-sama at nang tama.
sa pagkakaibigan, ganoon din. malapit na ring matapos ang bahay. maaari na siguro akong magsulat ng mga gusto at kailangan kong isulat.
agosto, masaya kang buwang nagdaan.