both good and bad... just good, really
di ko inaasahang may magandang mangyayari sa araw na ito. buti naalala ko na day 269 pala.
medyo boring pagpasok ko sa malate kanina. hindi pa maganda ang simula ng araw ko dahil sa hindi magandang nangyayari o kawalan ng pangyayari sa banda. buti dumating si ray para may konting tugtugan -- isang kantang hindi rin buo -- at si adi para may kwentuhan.
humingi rin ako kay stan ng kopya ng reading list niya. symbolismo. panibagong level sa aking pagbabalik sa pagsulat bago matapos ang lahat.
sa bahay, pagkauwi matapos ang hindi natuloy na klase sa bridges dahil busy and prof, kaunting pahinga, hiniram ko ang gitara ni yonni para makagawa ng rhythm para sa aking kanta. natapos ko. nagawan ko rin ng rhythm track ang grenadine. kailangan ko na lang pakinggan uli yung sample namin ni yaluts para ma-finalize ang drumline. gaganahan na uling tumugtog si thad. makakatugtog na uli ang banda.
ngayong gabi, nilipat na ang mga kahon sa bahay namin. malapit na kaming lumipat, bumalik, umuwing talaga.