Avocados

mga piling araw

Name:
Location: Makati, Philippines

Ignorance is bliss. I'm often better with numbers than with words. Notes... maybe. I am quite deaf and rather silent. I let my music compensate.

Saturday, November 25, 2006

house blessing

bday ni mama last week pero parang ngayon talaga ang malaking selebrasyon.

house blessing. masaya. matapos ang isang hectic na linggo, may handaan at nabasbasan na ang aming bahay. sayang lang wala ako sa mismong pagbabasbas dahil sa report/pseudo-lecture sa school. at oo, hindi ako magaling na speaker kapag hindi handa.

maraming tao, maraming pagkain, at dumating sina dogi, venjo, thad, at cholo. di na umabot si yaluts sa bahay kaya sa 3for100 each shawarma waltermart after-party na lang siya c/o dogi. pagkatapos, umuwi na si venjo. dota sana pero videoke na lang sa timezone. haha.

ang saya rin ng may tolda sa labas. (may permit yun.) naranasan kong kumain nang nakaupo sa centerline ng daan. living on the edge.

naka-dalawang composition rin kami habang nakatambay sa bahay. dinatnan ko silang ginagawa yung "house blessing song" tapos ginawa namin ang "seryoso na ito" sa paghihintay kay yaluts.

tahimik na ngayon. umiinom sina papa sa labas sa tolda. si mama, inaayos ang mga tirang pagkain sa kanyang dirty kitchen. si ate, tulog--pagod. si tita, may piniprito. sina yonni sa kabila, tulog siguro pati si judith. si adette, online. wala pa si tito nonong. ewan ko kung saan nagpunta. baka dinala sa sip `yung van.

ang sarap sigurong gumising bukas ng umaga.