wokey, kagigising ko lang. medyo sumakit ulo ko kagabi. siguro pagod.
kahapon, bday na papa. nagpunta sila ni mama sa antipolo. matagal na kaming hindi nakakasama ng ate ko.
kahapon, first day. employee number 841. yea! tinapos ko ang 3d model sa autocad dahil topak pa rin ang pc ko. subukan kong ipaayos kay sir joey mamaya. sana gumana. oo nga pala, may gagawin pa akong magic doon.
nag-logout nang 5:09 pm. tumuloy sa jamming. hindi namin maayos-ayos ang grenadine. ewan. di ko rin feel ang bass na hindi akin o sadyang bano talaga ako. hahaha. masakit ang daliri ko ngayon.
pagkauwi, kfc. hooooo... happy birthday sa aking tatay. kaso hindi ko na natapos ang araw sa karaniwang paraan dahil nakatulog na ako pagkakain.
sa mga sandaling ito, kailangang ayusin ko pa ang pagkasulat ng pangalan ni rei. may paghahandaan rin ako para sa trabaho. ayos.