turning point
may naka-shoot kanina sa dlsu vs admu game tapos sabi nung commentator, "that was the turning point..." nanalo nga pala yung dlsu. i'm not really into it. maybe the interest in knowing who loses comes from wanting to know who to pity afterwards. *sinister laugh*
simula na ng extended leave ko bukas pero may kailangan pa akong tapusin at idaan sa office bukas. kailangan ko na ring ayusin ang requirements at kung paano ako mag-aaral. board exam. mahalaga sa aking makapasa para hindi na ako second class citizen. mahalaga sa aking mag-place kasi kulang ako sa pagiging academically cool.
hassle magkaproblema sa banda kasi dapat relaxing activity yun. pero buti ayos na kahit papaano at tanggap ko nang hindi ako makakatugtog sa unang gig namin sa OS. baka hindi na rin ako tumugtog sa nov 3/4 depende kung by then, confident na ako sa aking naaral. pero problema ang weekly practices. ewan. currently unresolved problem.
and in a few hours, september ends.