malate, o malate
i don't remember waking up this early since... err... i don't remember.
nagising ako sa sofa at tila masarap ang tulog ko kasi 4am na. nakaderetso ako ng mga anim na oras na tulog. sabihin na nating 6 hrs and 9 min. naaalala ko tuloy noon sa zambales, ang sarap ng tulog ko at ang aga kong nagising. yun nga lang, sa sahig ng banyo ako gumising. at least sa sahig.
ang dami ko palang hindi nababasang email sa aking yahoomail. topak yung ym na yun, hindi man lang ako sinabihan e araw-araw naman akong nagbubukas. topak din kanina kasi ayaw mag-log on. kapansin-pansin ang email ni yot, forwarded open letter ni arun tungkol sa malate.
nanggaling akong malate kahapon. kinuha ko kasi ang transcript ko para sa board exam sa registrar. (oo nga pala, di pa ako nagrereview.) iba sa malate namin nina yot, reggie, at arun noon. pero kilala ko na ang malateng ito--medyo--kasi naabutan ko pa, o pwede ring naabutan pa ako.
ang naaalala ko, hindi ko nagustuhan ang binalikan ko mahigit-higit isang taon na ang nakalilipas. pero wala naman ako sa lugar para magbigay ng batikos o kung ano man. hindi ko rin inisip na akma.
sino ba ang assoc ngayon? di ko kilala. haha. si stan na lang siguro ang kakausapin ko tungkol sa mga bagay na ito.