december and 2007 mini year ender
dahil medyo tinatamad akong mag-blog.
disyembre, dumaan ka lang nang ganun. medyo. nakakapagod magtrabaho. konswelo: ipambabayad
ko rin sa bass at ibang bagay yung overtime pay.
Pasko. masaya nga. isa sa tatlong pinakamasasayang araw ng taon. pero mahirap pala talagang
magregalo. di sa pagbili kundi sa pag-iisip. pass muna. haha. pero ang nagpasaya talaga ay
ang kaisipan na maraming naipagpasalamat.
2007, pumasok ka nang may kasamang sama ng pakiramdan. naibsan. nalunasan. naging masaya.
may kalungkutan ngunit walang lubos. biyaya, tila naging isang salitang mas madalas
nangyari.
nagsimula akong magtrabaho habang tinatapos ang pagiging mag-aaral. medyo. siguro, ang
naiwan lang na hindi natupad ay ang titolong hinahangad at ang mga kasunod sana niyon.
kailangan ding pagpasalamatan. iisipin na lang na para sa mas nakabubuti.
at oo nga pala, natutunan ko ang apat na klase ng babae. siguro malalaman ko sa susunod na
taon kung ano ang pang-lima.
Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon.