the bus station
kahit wala nang happy, ok lang. pareho pa rin naman ang okasyon. medyo nabawasan lang ang isa sa tatlong pinakamasayang araw sa taon.
kahit papaano, masaya namang maalala at malaman na nasa akin pa rin pala ang tsamba ng tamang timing. may swerte pa rin ang violet na bench na tshirt na maluwag-luwag sa akin. kahit sandali lang. kahit alam kong kalokohan. kahit alam kong pinapaalala lang ang nakaraang hindi na maibabalik at ang hinaharap na matagal nang naitanggi. (2 separate and independent situations. hehehe.)
isang taon na rin ako sa dccd mula noong ojt. medyo malas. akala ko pa naman isang celebration na lang lahat kaso hindi pa nasama ang promotion dahil sa hindi pagpasa.
pero indifferent ako. rather indifferent. quite indifferent. basta.
mahirap masanay. napapatawad mo ang sarili mo pag hindi nakamit ang pagbabago. pagalingan na lang siguro sa pakikipaglaro sa buhay. tuloy lang.