Avocados

mga piling araw

Name:
Location: Makati, Philippines

Ignorance is bliss. I'm often better with numbers than with words. Notes... maybe. I am quite deaf and rather silent. I let my music compensate.

Monday, February 28, 2011

2 down, 10 to go

ayan, patapos na ang pebrero, ilang oras na lang. status report: needs a lot of improvement.

parang andaming bagyo nung nagdaang mga linggo. mahigit kalahating taon din. syempre, hindi naman puro lungkot, pero hindi talaga maitanggi ang hirap. marso, anong ihahandong mong maganda?

Sunday, February 27, 2011

weekend’s over

and i noticed that tomorrow, it will be 2 months through 2011 already. we’re in a slow pace here in the year of the rabbit.

speaking of rabbits, i’ve been thinking of a lot of want-to-buys recently. (rabbit reminded me of hazel, supposedly a rabbit from some literature and where the gundam hazel was named after.) maybe i’ll make that list here.

*HGUC - RX-121-2 Gundam TR-1 [HAZEL II]

*HG Gundam 00 - CB-002 Raphael Gundam

*Revoltech Yamaguchi - Eva Provisional Unit-05

*Athlon II X3 CPU on motherboard with onboard Radeon graphics in a Coolermaster 690 II casing (with Thermaltake psu, 500GB seagate harddrive, dvd-writer)

for these, i need to have the “desk extension” built. and since i’ll have that built, i should as well have the figure display already made in wood based on the illustration board prototype and the necessary additional tiers for the display cabinet, for my shoes, and the space under the drafting table. a lot to do for my room.

plans… i indeed have to fix my room. and as i said during the weekend, i need to fix my life.

Saturday, February 26, 2011

escapes

isang linggo mula noon huli kong post, tila ang nagawa ko lang ay tumakas. hindi mabuti ang pakiramdam ko. hindi ko nagagawa ang mga dapat kong gawin at nagagawa ko ang hindi ko dapat gawin.

may mga panahon, sandaling pagtakas, ngunit hanggang doon lang. hindi ko pa rin nagagawa ang matagal nang kinakailangang reset.

Saturday, February 19, 2011

restore state

had my braces adjusted this morning. i’m still in pain.

i’ve successfully (after failed attempts and proceedures) restored the desktop pc to an earlier (december 2009) state therefore eliminating the recent problems. it could have been easier had i simply chosen to run discwizard in full mode. tsk. oh well. after necessary updates, i’m doing a backup now.

a few texts today. i spent the afternoon asleep (downloading ubuntu which i wasn’t able to use) to get rid of my headache. i had a good rest but the headace’s back, though. i don’t think it’s a good thing that i’ve taken 2 capsules of pain reliever today.

it was a good day, still. ha, how often have i gotten guilt-free rest recently?

Friday, February 18, 2011

week end start

natapos din ang linggo sa trabaho. medyo sumablay lang at masakit ang ulo ko ngayon. pero salamat talaga.

pauwi galing rodriguez, force of habit, sa UP ako nagpababa. na-miss ko nga ang SM Trinoma. pagbaba sa sm north, sayang, may hahabulin sana ako sa mrt pero mukang too late. pero na-excite ako nun. ngayong araw na ito, sinimulan ko ang challenge na kung magkikita kami ng kaibigan ko, dapat hindi namin pinagplanuhan. dapat tadhana. parang kanina sana kaso nabitin. hindi rin ako tumuloy sa shangrila at nakijoin sa mini-reunion ng iba namang mga kaibigan.

sarap umuwi. eto, dapat simulan ko nang masanay uling mag-weekend, at dapat may dahilan para masanay. kailangan ng pahinga.

Thursday, February 17, 2011

clutch

i think the day started good and things seemed to go well today. i just lack some sleep and maybe a bit more will power.

Tuesday, February 15, 2011

domino’s

dumaan ang tuesday at bitin ako sa ngiti. lampas pa rin yung clutches sa allowable stress. at least nakapag-pizza. masarap din.

Monday, February 14, 2011

no to heavy hearts

happy anniversary to my parents. yes! i got home for dinner.

happy birthday to my best. too bad i wasn’t able to do as i promised. well, i guess it’s fair to put interest on my gift.

two meetings today, first one postponed so i slept. second one put pretty heavy loads on me. kinda got away though. haha. i could go on for a day ranting about stuff but i’d rather be give a solution. i think we have just one and a half issues left. best shots getting ready.

texting. wow, i didn’t think it’d keep me smiling as much as i’ve been. hearts day today. no to heavy hearts. gotta keep smiling and making others smile.

Sunday, February 13, 2011

corrections please

kung hindi makakuha ng extension, sana correction man lang. patapos na yung weekend at pasimula na ang bukas. bitin. kulang. maraming hindi nagawa at tila hindi magagawa. kailangang itama.

Saturday, February 12, 2011

plans on the desk

went to work today. i think i filtered the stress but there’s still the frustration. oh well.

tick tock, so much to do, so little time, so much slacking for me. hahaha. optimism. i hope it helps and not the other way around.

i accompanied ate and buds (then judith appeared) in buying a netbook. my sister got an asus eee pc 1201pn. i opted that we go for another store and that model since i couldn’t get a better deal on the intended store as i did before when i accompanied dian when she got hers. same model. haha. something about my recommendations.

this desk is actually 10 inches away from the wall. i’m visualizing/practicing for when i acually get the desktop pc i want. coolermaster 690 ii case, upcoming amd fusion cpu, amd radeon 6950 1gb, and all. and a place for mg gundams. what to call it? desk extension? a lot of woodworks to be done.

i just checked, the floor space is still enough to move around freely and do some pushups. it won’t do if i still had the sofa. (i miss it though. maybe  i’ll visit it on my parents’ bedroom tomorrow.) just gotta get rid of the box under this chair. i think all these will be in place when i get rid of those problems at work. yep. so i just gotta clear that desk at the office. yosh. go.

Friday, February 11, 2011

anti-rsi

bumili ako ng keyboard. oh yeah. naging nettop na ang netbook ko. kaso kailangan ko pa rin pala ng mas magandang mouse. hindi pa ako nakabili. kuripot, e. namahalan sa inalok sa akin. at hindi kasi a4tech. brand affinity. hehe.

ang hirap sa office, stressed mga tao. panic mode. hindi matinong mag-isip. medyo comforting na hindi lang ako ang nababadtrip. pero nasa kamay ko pa rin daw ang kinabukasan ng marami. maliit kamay ko at payat ang mga daliri. mahina-hina rin ang grip. (parang hindi bassist, ah. haha.) baka mabitawan ko ang mga hawak ko. sana hindi.

parang andami kong kinain ngayong araw na ito. nung lunch, dahil naiwang mag-isa sa team, nakasama ko uli sina dian at venus atbp na kumain sa labas. bagong diskubreng kainan sa may king’s court. mura at maraming kanin. palingon-lingon ako, baka makita ko si ate mia. pagdating ng mga kasama ko sa team, may dalang tirang fries at pizza mula sa shakey’s. syempre, hindi lang ako ang umubos. nagpakain din sina al at caren at mga M.E. wow, surprise. ngayong gabi, naghanda si tita. konti daw yung pero nabusog ako.

kabado ako sa maraming bagay na dapat gawin. may sobrang pending akong commitment sa labas ng office. hassle na trabaho sa office, sagabal sa trabaho na hindi sa office. haha. yung operasyon naman namin ni olai kanina, medyo nabibitin ako. sana yung ibang operatives sa misyong yun, maganda ang progress.

sarap mag-type. dapat magawa ko ring ganito ka-convenient ang buhay para ready na sa mga susunod na pagsubok.

Thursday, February 10, 2011

this year’s resolution, 1600x900

didn’t go to work and slept through most of the day. well, not most but more than i intended to. so much for working on other stuff. i think it’s ok though. i need the recharge.

friday tomorrow, i should finish things up for monday’s meeting. this sucks, though. certain plans for this coming monday… good luck.

i think i should get to work now, but as i expected, i’m in awe with my new monitor. oh yeah. new year’s resolution, 1600x900. todays acquisition, LG E2050 20” LED monitor. i got a bit of trouble getting the monitor to display the right resolution, though. i hope it doesn’t actually do damage. nah.

maybe i’ll get the new mouse and keyboard later since this setup is quite ok. i’m using my college yearbook to bring the monitor above the netbook’s screen. the top of the netbook is just below the monitor. sakto. my current mouse doesn’t feel desktop worthy, though. will check fiinances (and mood) this weekend.

Wednesday, February 09, 2011

belly

sarap umuwi. grabe, busog. at kung iisipin, yung skyflakes pala huli kong kain bago yung dinner kanina. mabigat sa tiyan yung kinain namin sa centris, pero buti may space pa para matupad yung sinabi ko kaninang umagang kakainin ko yung pancake na uwi ni mama kahit gabi na akong umuwi.

nakakapagod at halos nakaka-frustrate kanina. buti, maganda-ganda yung ending ng araw ng trabaho. sabi ko nga, nahanap ko na ata yung bida sa kwento ng project.

bukas, may kailangang ayusing “personal matters at home”. yes, bagong term sa sideline. hahaha.

Tuesday, February 08, 2011

somewhat like the war to end all wars

but that was world war 1. we all know there was a 2nd world war. but tonight, this should be the overnight overtime to end all overnight overtimes. hahaha.

Monday, February 07, 2011

upwards positive

tila may mga na-accomplish ako ngayong araw na ito. tipong dapat siguro dati ko pa ginawa pero malamang kaya ko rin nagawa kanina dahil sa hinaba-haba at dinami-dami ng panahon, oras, problema, at iba pang nangyari sa project. wednesday, big day. harapan na. lahatan na.

kanina rin, naranasan ko yung pagkatupad ng dasal. sobrang takot ako sa apoy. at kung isang daang piso at panalangin ang mabibigay ko para mapanatag ang pinakamatalik kong kaibigan, wala nang isip-isip pa. ang pinaka-inisip ko lang, paano pa ako makakatulong. salamat sa Diyos sa pagsagot sa dasal namin. medyo inaalala ko lang, yung at kung may napinsala. sana walang matindi.

sa internet naman, nakakaaliw. hindi lang puro basa ng updates sa mga tech at gundam, kung anu-anong article, at panood-nood ng anime. nakakakilala at nakakapag-interact din sa ibang tao. counted as social life na ba yun?

sabi ko kagabi, dapat simulan ko nang maganda ang linggong ito. medyo mabagal pero sige, magandang simula. ituloy.

Sunday, February 06, 2011

smiling a bit

it struck me, it wasn’t such a bad weekend afterall. now, time to rest and get ready for a good week ahead.

uwian

umuwi ako. hindi ako sa opisina magpalipas ng gabi ngayon. gigising ako dito sa kama ko sa simula ng darating na linggo. sisimulan ko nang maganda. mga huling hirit na ang mga ito. gaya nga ng sigawan sa ghost fighter, tapusin! tapusin! tapusin!

Saturday, February 05, 2011

something about weekends

i smiled once or twice today. i heard Mass in the evening in case i have trouble tomorrow. i felt good during those moments. but there is that thing about these past weekends that keep me down.

Friday, February 04, 2011

time over

mabigat ang nagdaang mga araw sa trabaho. maraming sablay sa paligid at sa sarili. maraming kailangang gawin. maraming dapat ayusin. paubos na ang oras. kaya yan. kaya to.

nakapangkumpisal at nakapagsimba ako kanina. first friday. masarap. may sarap din sa loob ng mga nagdaang araw. naramdaman ko man na tila mag-isa ako sa aking ginagawa, walang kakampi, pero naramdaman ko ring may naniniwala sa akin at nagnanais ng ikabubuti ko. salamat sa kanya. salamat sa kanila.

Tuesday, February 01, 2011

input file errors

more like not knowing what to do. one of those days i had to show how stressed i am.

earlier i mentioned how i wish i could start really being happy tomorrow. a wish for how many months now? but i remember being reminded again just recently, He has His time. yes!

i have to fix some errors.