Avocados

mga piling araw

Name:
Location: Makati, Philippines

Ignorance is bliss. I'm often better with numbers than with words. Notes... maybe. I am quite deaf and rather silent. I let my music compensate.

Tuesday, May 31, 2011

pagbati paakyat

maligayang kaarawan sa lupa diyan sa langit tita ellen. pakikamusta po ako kina lola.

backup and reformat

tonight, I backup my pc’s system drive mostly for memory’s sake. 7 days to go before expiration of temporary license. will reformat and instal windows 7l 64-bit tomorrow, on thursday, or during the weekend, in “trial mode” amd purchase license by end june or start of july. talk about pc buying strategy.

as for my life, we’re going slowly. I don’t know how surely, but I’m optimistic.

Sunday, May 29, 2011

rainy sunday afternoon

akala mo liliwanag na uli, biglang babagsak na naman ang ulan. mapagpahinga ang araw na ito kahit may konting pag-aalala sa kalagayan ni tita. mukhang mabuti naman na ang kanyang pakiramdam pero kailangan pang obserbahan.

naka-ilang subok ako kanina sa pag-install ng sp1 sa acer laptop pero hindi gumana. mali ang ginawa ko noong una na mainip at patayin noong nakasulat nga na wag patayin. ngayon, ginamitan ko na ng standalone installer dahil sumablay na ang mga sumunod na windows update pagkatapos kong i-cancel.

9 days to go bago mag-expire ang evaluation period ng windows dito sa x3. malamang sa susunod na weekend ko irereformat para sa isang 30 day trial. natantsa ko rin na malamang september ko maaaring bilhin ang mga lalabas ng component na trip ko. halos lahat pala dito, papalitan. mukhang mapapamahal. ang matitira lang, yung case, dvd drive, at power supply. ok lang.

ininstall ko na rin ngayon ang drivers ng myphone dito sa desktop kahit na pagka-reformat ko pa balak mag-migrate talaga ng email at phone sync/backup. kataon kasi, dala ni papa ang netbook ko. ayun pala, dahil sa pag-u-update ng windows, hindi pa tuloy nakapag-pc session si mama ngayong weekend. mamaya sana, pag tapos na. kung hindi, this week na lang. pero sa bagay, nasusulit naman niya kanina ang mga cellphone niya.

lunes bukas, handa na ba ako? handa dapat. kailangang ibalik ang pagkatuwa ko habang umuulan parang noong tumakbo ako sa ulan noong biyernes at noong naglalakad ako pauwi habang malakas ang ulan noong martes. pero bawal magkasakit. haha.

Saturday, May 28, 2011

unpleasant turnaround

slept and was counterproductive the whole day. blaming it on the rain when i ‘m completely aware that it’s my fault.

that change I’ve been looking for, I have to stop looking for it and start working on it. I have to accompany my trust in Him with responsibility.

Friday, May 27, 2011

may birthday

di ko talaga inasahan pero masaya ang araw na ito. mula sa pagdiskubre ng diskarte sa etabs at safe, pagturo(?) kung paano gumamit ng macro, pagdiskubre sa ear piercings, pagdeliver ng plano dahil wala nang messenger, compliment mula sa nanay ng isang malapit na kaibigan, hanggang sa pagtakbo sa ulan sa fort at pagsakay uli sa fort bus, at pinakapanalo, little tokyo dinner and after effects. isama na rin ang matagal-tagal na pakikipagkwentuhan kay mama.

may ilan ding bumati ng happy birthday ngayon dahil sa pauso ni tristan. pero si sean talaga ang may kaarawan ngayon. sana masaya ang batang iyon at sana mabigay ko na ang regalo ko sa kanya at sa tita niya (pati dun sa ninong niya) sa lalong madaling panahon.

at “dushe” nga ang bigkas sa deutsche.

Thursday, May 26, 2011

elevator

I spent overtime not so wisely and even did a few pranks before we set off for home.

had a talk with the boss, things need to change apparently. well, I agree, but I think I have to give a better proposition wherein everybody wins. as it is now no one will.

had some negative energy today. come in positive energy tomorrow.

Wednesday, May 25, 2011

portrait of a scale model

pagod ako. ayun, hindi rin natuloy ang lunch out. pinapunta ako sa meeting at may mga inayos para doon. kinailangan ko ring magpahinga habang lunch break para hindi antukin habang nasa meeting after lunch. resulta: hindi naman pinag-usapan ang hinanda ko. tumunganga lang ako doon. late pa natapos. hahahahahaha.

medyo late na rin akong nakapasok pero hindi lang dahil sa angry birds kagabi at sa paghahanap na ng solusyon (hindi matagumpay) sa pagbawi ng unknown used space sa harddrive ng laptop ni papa. nawili sa pagbabasa at pagreply sa okc. ok din. hehe. at tila sikat nga ang l4d.

kaarawan ngayon ni cara, tila dapat magkita rin kami sa loob ng buwang ito o sa susunod. matagal na kaming hindi nagkikita. kahit sa mga japanese related event, hindi kami nagkikita.

naalala ko ang malate. nabanggit din kanina habang nakikipagkwentuhan sa office pagkakain na cool pa rin ako dahil kahit papano, nakasali ako sa malate. pero sumang-ayon na kakaiba nga ang mga tag-malate. tila napapadaldal ako ngayong araw, sa personal at sa digital. dahil sa kwentuhan kanina, napatingin din ako sa transcript ko ngayong gabi dahil sa kwentuhan kanina. 2.061 ang cgpa ko noong college at 10 subjects ang naibagsak. 11 ang 0.0 dahil dalawang beses bumagsak sa isang subject. tsk tsk. ayos lang yan. hahaha.

isang fail ngayong araw na ito, at kahapon at noong isang araw, nawala ang naipon kong ~1795 minutes (di ko maalala kung tumawag pa ako matapos ang huling balance check) o halos 30 na oras ng tawag sa sun. noong isang araw pala nag-expire. hindi kasi ako nag-register agad. oh well. bagong goal: makaipon ng 69 hours.

nakuhanan ko ng picture ang scale model ng shangri-la. iyon na siguro ang pinakanapala ko sa meeting. iyon na rin ata ang may pinakamalaking impact sa akin sa pagpunta ko sa site office. magandang nakikita ang inaasam.

sa weekend, sana matuloy, gusto kong makita ilang taong pangarap kong maging masaya. at sa weekend din, sa friday siguro simulang, mabigyan nga uli ng mga session si mama sa paggamit ng pc.

Tuesday, May 24, 2011

drenched

things pretty much slowed down at work. I woke up late and meant to jog after work. sadly, things got canceled most prominently due to the rain. venjo and goey ended up at our porch with rd at his house. before that, I headed home and got drenched. haha. I can’t remember the last time that happened.

other things that got cancelled, my lunch out with odessa. and apparently, I still wasn’t able to accomplish as much as I wanted at work. I sure hope I don’t need to be in tomorrow’s meeting so I guess I should have as much done before 9 and enough left to do to warrant my stay in the office.

best and I had some bits of stories after lunch and I liked her news a lot. I really hope there isn’t a strike 3. come to think of it, we’re both avoiding a 3rd strike this time.

that made me remember, I wasn’t able to eat the granola bar from ailene. I meant to have it after jogging. it’s a nice thought, I didn’t like granola bars at once but I learned to love them. it’s been years since I’ve last eaten one. as for oatmeal cookies, yeah, you gotta love `em, too.

I’m really delayed in things. I need to jog hard. I think I’l even have to run harder. but cooling down in the rain isn’t so bad a break.

Monday, May 23, 2011

angsterpunkster

hindi ko pa rin tapos ang kailangan kong tapusin. dapat magawa ko ito bukas. medyo ok pa naman ang monday ko ngayon.

halos buong araw pala akong nakipagkwentuhan sa best ko sa email habang namomroblema, naguguluhan, at medyo napepressure sa ginagawa kong connecting bridge (déjà vu?). by the end of the work day, mukhang resolved naman na ako sa geometry. wind load na lang. light-hearted ang kwentuhan at nakakatuwa dahil tingin ko, masaya siya. at tuloy pa rin ang pangako kong pagregalo sa kanya ng sofa set.

bago mag-lunch, sa elevator, paakyat, binanggit ko kina jj at daryl na wala akong gana dahil hindi natuloy ang trip noong sabado. hanggang pag-uwi, hindi ako maka-get over na hindi ako naka-get over the mountain. pauwi, bumili ako ng oatmeal cookies. magdadala ako bukas at sabi ni ailene, bibigyan niya kami ng granola bars na baon sana noong hike. nabanggit ko na kickoff sana yung nung sabado sana ng series ng mga hiking trip ko. sana magawa ko nga. kailangang maging healthy.

ngayun-ngayon lang, katext ko si odessa tungkol sa credit card application at na sa malapit lang pala siya nagtatrabaho ngayong summer. asteg. small world. medyo nakakalungkot na marami akong lakad na hindi natutuloy. sana, matuloy naman ang lunch namin dahil hanggang friday na lang siya. old friends. nakakatuwa.

challenge ang linggong ito. nararamdaman ko ang pressure na maraming hindi natutupad sa mga balak at tungkulin ko. kailangang magbago iyon. kahit siguro hindi ko makuha ang 50+% win ratio, basta makarami ng kaala-alala at mahalaga.

at sa wakas, as of kaninang madaling-araw, may twitter na ako: angsterpunkster.

Sunday, May 22, 2011

sheets

another one of those uneventful weekends. the most I probably did was wash the dishes after lunch and change my bedsheet, pillow cases, and curtains. my mother noted though that the room still needs major cleaning. it’s a start, at least. I think it’s been more than a year since I changed my bedsheet and curtains. it feels fresh, and I’m liking the new curtains.

I scanned one set 69bills just now. I’ll do the others some other time. needing times. fun, though, based on the scans, it’s the 6th set. nice. it’s pretty effective.

band matters, I already sent out the email to the group containing matters for discussion: band setup, song lineup, and band name. I kinda cancelled this saturday’s jam session, but as far as I’m concerned, we’re kicking things off. another slow start again. haha.

monday tomorrow, gotta start fresh at work and everything else.

Saturday, May 21, 2011

boondocks

hindi natuloy and pag-akyat namin kanina. pero tila maraming nangyari kagabi. may pagkadismaya, may takot, may lungkot. sa kabila noon, hindi maipagkakaila na kahapon, pagkagaling sa trabaho, nakadaan ako sa greenbelt chapel para mangumpisal at magsimba. at tingin ko, may mga tao akong napasaya. ok na ako dun.

kanina, halos natulog lang ako at nag-internet. naturuan ko rin si mamang mag-facebook sandali. nakapagsimba rin ako kasama nila ni papa ng anticipated Mass. tila matagal na akong hindi nakakasabay magsimba.

ayos lang ang weekend ko kahit bitin sa bundok. at sabi ko nga (nang paulit-ulit mula kagabi), “mountains can be moved at the most but they won’t disappear.”

Thursday, May 19, 2011

keep the batteries coming

I shouldn’t have messed up with my luck. I think I struggled today to make it good.

did one of those ninja escapes at work again today. I’d say it was worth it. kinda happy, a bit sadder, but happy still. I gotta keep the hope alive.

and my wallclock. haha. it’s 8:00 now. I remember waking up at around 6 and seeing 1:45.

I’m in a ym chat with dogi now. he asked for updates on our band plan. especially with the events of today and recently, I’m sad enough and happy enough to get back to writing. gotta make sure I use the feeling now and not make it pass like the last time.

Wednesday, May 18, 2011

hapweek

kaarawan ni ate ngayon at naghanda nang kaunti dito para sa hapunan. masarap. simple. mukhang masaya si ate.

marami-raming taon din ang nakakalipas, pinanganak sa mundong ito ang isang banal na tao. Blessed John Paul II, ipanalangin mo po kami.

may mga kulang sa araw na ito. may ilan ding mali. tila kay tagal ng hinihintay na araw ng malupit na ngiti. di bale. darating din. parang amazing race lang yan. dapat may effort din at dapat may teammate.

nakakatuwa ring isipin na kinonsulta ko kay best ang ilang mga sinasabi ko kay krys at tila tama naman ang mga pinagsasasabi ko. sana maging maganda ang sitwasyon ng mga kaibigan ko.

binigyan din ako ng tip ni krys na maaaring makatulong siya sa aking pangarap na maging rockstar. haha. konting pursigi pa.

Tuesday, May 17, 2011

don’t get angry

that was another crazy day. new ojt at work (I bet she doesn’t remember my name) and new board exam passers today.

I meant to go jogging but I decided to go home instead. ninja. at least I quite had a good morning warmup before work.

with all the crazy stuff happening at the office, today made me want it to be saturday even more. I gotta shape up.

Monday, May 16, 2011

big screen

pinilit ko pero hindi ako natutuwa sa malaking monitor sa office. oo, may advantages pero hindi ko pa rin trip. medyo na-conclude ko ang mga criteria ko sa desktop monitors.

bagong pc sa office pero hindi pa rin ganun kabago ang attitude. kulang na kulang pa rin ako sa gana. at least hindi nababagot sa mga kasama. sabi ni tristan, maligalig daw ang araw na ito. andun na ang pintuan sa cubicle namin, sirang upuan, naglolokong mga printer na tila pinagtitripan si narch, ang pag-segregate ni wesley ng mga patapong papel, at ang defensive tactics ni arianne sa aircon involving payong (nakasara), kahon ng monitor, at payong uli (nakabukas).

medyo maraming napag-usapan para sa lakad namin nina ailene sa sabado. o ako lang siguro nararamihan. excited. hehe. sabay ko na iyon sa milo marathon training ko. matapos ang dalawang linggo mula nang ubuhin ako, nag-milo na uli ako. milo everyday.

pag-uwi, bumili ako ng mouse at office 2010. tila hindi ito ang gusto kong bilhing mouse. nalaman ko na lang nung nasa releasing na. buti nagpresinta si jeff na sa kanya ko na lang ibigay at bibili ako balang araw ng 2x na mouse.

medyo excited ako para sa linggong ito. sana magawa ko nang tama o kahit medyo tama lang.

Sunday, May 15, 2011

sofa bed

I slept though the morning on the sofa. another one of those unproductive weekends. nothing left to do but look forward to a wonderful week.

Saturday, May 14, 2011

cabalen

walang outing ngayon. haha. nasunod ang rule of no third.

nagpunta akong dentista at pwede na raw mag-retainers para sa upper teeth pero sa susunod na lang susukatan. medyo nagkonsulta rin si dra. beth tungkol sa pinapagawa nilang bahay. ewan ko lang kung gaano ka-(hindi) ok yung mga komento ko.

pag-uwi, nainit ko na ang pancit na lunch ko sana tapos nagtext si goey na sumunod ako dahil manlilibre si cholo. naligo muna ako at tinapos ang pag-convert ng hdd mula dynamic disk pabalik sa basic disk. na-infiltrate ko ang dbti sa pagsagot ng ilang trivia question matapos magkunwaring hinahanap ang alumni id. pagkatapos, cabalen.

sulit yung libre ni cholo. hindi nga ako makahinga pagkatapos. hindi na ako nag-dessert. natanggap pala kasi sa trabaho pero nagrereview pa siya. sportscar sighting of the day: 430 scuderia sa shangri-la. pagkakain, umuwi na si cholo at pumunta dito sina kevin, goey, at venjo. tumambay sila dito sa kwarto at kinopya ni kevin ang gundam at gundam zeta at silang tatlo, kinopya ang angry birds.

wala ngang outing ngayon pero may tamang enjoy time din kasama ang barkada. si michelle, nasa trip ngayon kasama sina aane. sana ligtas at masaya sila ngayon doon.

lazy time na pagdating ng gabi. nanghihinayang ako na sana mas napakinabangan ko ang oras ko. bukas, dapat maganda ang sked ko. dapat masulit ko ang araw. naka-sked akong magngumpisal bukas. dapat magawa ko iyon at makasimba sa magandang oras para maisingit ang pag-overtime.

tinitingnan ko ang deskfan. naka-deskfan na uli ako. hindi pa yung dati kong nasirang deskfan pero yung kina mama ito na katulad nun sakin. inayos din ni tito feds.mas bagay pala. siguro, kaya mas nagandahan ako sa nung pinalitan dahil mas malinis. e ngayon, malinis-linis ang pwesto. ganun nga ata sa mga bagay, sa buhay. iyong inaakalang hindi kagandahan, maganda rin pala, basta linisin, ayusin.

I don’t care

it’s not really a negative thought. it just happens to be the 1st 3 words of that friday song that’s been running through my head tonight.

I almost had great timing today, early enough for work. late from lunch out though, along with the rest of the guys. I wished I could have gone home at once but we picked up and I had to setup the new pc. jj and I managed to get home 3 hours after a sad conversation with ailene. well, it was so sad for me since I really wanted to get off and end the workday but oh well, new pc, overtime.

but hey, it being the 13th didn’t really mean much to me. all that I know is that it’s friday,

__________

yes, that was a comma, not a period. oh, and I think blogger is down today. oh well.

(posted after blogger downtime yesterday)

need for assassin

bumili ako ngayon sa unang pagkakataon ng orig na games: nfs hot pursuit at assassin’s creed. hot pursuit lang talaga sana kaso dinalawa ko na para lampas 2k—php1,295 yung nfs at php995 yung creed. starbucks! haha.

parang wala na naman akong napala masyado sa office. progress pero small at walang full accomplishment. friday na naman bukas. huling araw para makabawi para sa linggong ito. game!

nagkita kami ni ryan para ibigay ko sa kanya yung tent na hiniram ni michelle para sa trip nila nina aane sa weekend. sana alagaan niya yung tent at yung best ko.

(repost for may 12, 2011)

Wednesday, May 11, 2011

mr. big concert

last night was my first time to watch a concert at the araneta coliseum. wow. as in wow. oh, and angel saved me from not being able to see mr. big by being my companion. I think I made her like the band and she seemed to enjoy the show. I think it’s cool how she reacted to billy sheehan’s bass solo and the band’s awesomeness without being a prior fan nor having any “technical background” on this side of music.

I really can’t express now how I felt last night. well, I watched one of my favorite bands, screamed and sand along. I forgot to charge my phone. I wasn’t meant to capture the concert on cellphone video. haha. the best I could come up with is an understatement reaction: sulit.

that was fun, even from the last row of upper box a, I felt the power of the band. I should buy they’re new album soon. eric martin, billy sheehan, paul gilbert, and pat torpey, yeah, they rock. start up with daddy, brother, lover, and little boy (as I quite expected) then take cover (yeah, I hoped they’d do that next), until the double shuffle players smoke on the water cover and ending with shy boy, man, it was great.

I think the first front act band was lucky. I wish we could someday do that. general luna was hot and great. and the crowd, wonderful. ah, yes, I was part of that crowd.

oh, and another highlight of last night, I saw regine angeles at the baggage counter. I would have just thought she was one pretty and hot mr. big fan if not for angel telling me it was her.

it’s been quite a day since and I’m still so happy about the concert. fandom. ah, next step: use this as additional inspiration.

Monday, May 09, 2011

back to work looking busy

pero busy rin naman. medyo nalilito pa rin lang sa paano didiskartehan ang mga dapat gawin. good luck. good luck din sa pagdiskarte sa ibang project. haha.

nabili ko rin ang tickets para sa concert bukas. si angel ang maswerte at isa sa pinaka-cool ko na kaibigan dahil nagpaunlak siya sa paanyaya ko. haha. sana maganda ang araw bukas. mr. big: live in manila.

Sunday, May 08, 2011

rainy mothers’ day

it’s officially the end of summer. talk about climate change.

mothers’ day celebration today was simply lunch c/o martin’s. and I think ate paid for it. haha. will pay her this week for my part. she was here with buds, his mom, and little cousin. happy mothers’ day.

I spent most of the day in my room (as usual), here in front of the pc and sleeping while it was raining outside. I don’t remember seeing the sun today. to think I’ve been under the sun for the last weekend and just the other day until yesterday.

mr. big concert is in two days and I have no companion still. I actually got at least one rejection today. haha. sad. thus, no go. haha. oh well. I need to dream of a song soon. after summer trips, I think the band should go make music but the challenge is that thad’s busy and quite out of reach and his substitute mike is already in singapore.

singapore, I learned jen’s last day was last friday (hence the bus sched and the rejection to accompany my on tuesday). I think I’m gonna make one song for mike, jen, gia, and I dunno, in general, friends who go abroad to find work. project: start.

Saturday, May 07, 2011

brandy and the sea

hindi ko inasahang magiging ganito kasaya sa office outing. baka nasaktuhan lang, maganda ang lugar at tama ang mga kasama.

medyo nawala ang hika ko sa pagpapapawis sa obstacle course at volleyball. naka-ilang shot din ng granmatador at banat sa microphone. natuwa na naman si avl. masayang kasama ang mga katrabaho ko ngayon. may special guest pa, si angel.

sana, makapagtrip rin uli kami nina tristan, daryl, jj, liza, arianne, at ailene. sama na rin siguro si charlie at kahit siguro si jonas. kung iisipin, bitin din ang office outing dahil masaya nga. dagat, tulog, pool, tulog, magandang cr, kain, kwentuhan, pawikan, snorkling. pwede.

ending ng trip, halos naubos na mga tao sa bus pagdating sa office. sinabayan ko si ailene papuntang waltermart kung saan baka may greenstar bus (na wala pala talaga pag weekend) habang ako naman ay nag-grocery. sa kasalukyan, medyo bumalik ata yung hika ko dahil sa bigat ng marami kong biniling magnolia grape fruit drink at isang box ng big 250 sabay pa ng dala kong gamit. adik lang sa juice at tila kailangan ko na ngang paghandaan ang pag-eempake nang magaan para sa mga susunod na trip.

Friday, May 06, 2011

office outing

i’ll just ease up on the strain and up the relaxation today. i guess this week is summer vacation week. of the 5 work days, 2 in an outing, 2 at home, sick, and 1 at the office.

Thursday, May 05, 2011

recovery room

I guess I didn’t do enough to get well yesterday. I stayed home again today. pretty much a wasted day. I’m feeling a lot better now, though than last night and this morning. I hope it carries on.

Wednesday, May 04, 2011

home sick after vacation

naka-sick leave ako ngayon. hika ang inabot ko sa outing. at enjoy. hindi gaanong effective ang pagpapaalis ko ng lagnat kagabi. nakatulog ako. nagising na lang ako na inaasikaso ng mga magulang ko dahil naliligo na ako sa pawis. buti na lang dahil kung hindi, mas magkakasakit lang ako.

medyo hassle lang, kaarawan kahapon ng tatay ko at hindi ganun na-sulit dahil may sakit ako. ang niregalo namin ni ate ko, gift certificate para hindi na problema yung maling size ng tshirt. tsaka tinuro ni ate paano laruin yung angry birds sa pc.

noong isang gabi kami dumating nina venjo, dogi, miro & arcee/carlota/carl, kevin, at goey mula sa outing. panalo. matagal at nakakapagod lang ang biyahe pero sulit. sa bus pabalik, pagkaandar, sinubukan ko nang magrecover sa pamamagitan ng pagtulog na medyo gising para hindi matamaan ng mga dumadaan. na-shotgon ko ang aisle side seat. ayoko sa may bintana. mukhang effective naman ang recovery at asteg yung ballroom music nung nasa nlex na kami. nagpasundo ako sa cubao terminal at hindi na nakasama sa afterparty kina kevin dahil kailangan kong magpahinga.

sa aming huling araw doon, inuubo at tumindi na ang sipon ko pagkagising. naki-charge ako ng dalawang cellphone na pinapatay-bukas ko para tipirin ang karga ng baterya. mababait mga tao dun. hindi na sana ako bababad pero nakakaengganyo ang malinaw na tubig dagat. pagkatapos sulitin ang dagat,  umalis na kami. isang oras na tricycle at isang oras na jeep. tumigil muna kami sa china outpost sa gitna ng tricycle trip. pagdating ng bayan ng burgos, naghintay pa kami ng bus at nagpalamig pero dahil walang bus pa-cubao, munabuti na naming mag-jeep papuntang estasyon sa alaminos.

ang sarap ng gising noong linggo. medyo maiinit lang sa tent. ang masarap ay noong binuksan ko ang tent at nakita ang nakangiting buwan at, kung hindi ako nagkakamali, ang venus. text konti at kuha ng picture. lowbatt parehong phone. haha. pagkatapos ikutin ang isla, napaidlip akong sandali bago sila mag-agahan. hindi ako kumain. delikado. hindi pwedeng umabot sa 2 ang bilang sa isla. nagbabad kami habang naghihintay ng sundo. dumami na ang mga tao at nasakop ang bahagi ng tubig na aming nililiguan. sakto sa oras ang pagdating ng sundo. na huli lang kami nang konti sa pag-alis, mga 5minuto. masarap ang hangin at pakiramdam sa pagbabangka namin papuntang mainland.

pagdating sa mainland, pinaubaya ko muna kay kevin ang cr habang hinanap namin ni goey ang simbahan. linggo, e. malayo ang simbahan. nagtanong at medyo nasayang din ang oras sa paghahanap ng simbahan sa paaralan (lampas pala dun, hindi doon mismo). sermon na nung dumating kami at hindi pala sa tagalog ang Misa. ayos lang.

pagbalik, nagpasain pala sila ng kanina at nananghalian na kami. naki-charge ako ng cellphone sa tindahan ng masarap na halo-halo kung saan inintroduce namin ni goey ang bagong 50 pesos. sumablay na naman ang charging.  oh well. maya-maya, dagat. may 1, labor day noon. ang ginawa namin, naghukay sa dagat. trip. bandang dapithapon, ang trip naman namin, carl in the middle. ang hapunan namin ay inihaw na baboy at pusit. sa papag ako natulog, kung saan kami kumain at kasama ang mga gamit. sina dogi, miro at carl, sa tarp, banig at sleeping bag. sina kevin at goey, sa kabilang papag. si venjo, sa floatation device/bed.

mahaba ang biyahe papunta. medyo off timing ang pag-alis namin nina venjo, dogi, miro at carl pero saktong halos kararating lang ni goey sa may mcdo para puntahan namin si kevin. matagal-tagal naghintay si kevin sa five star sa cubao pero halos on schedule pa rin. dumating ang bus pagkatapos ng hindi katagalan. mabilis ang bus at mahangin. noong wala na sa highway, umaalon pa. ako ang nahiwalay ng upuan. nung una, akala ko hawig ni cara yung katabi ko pero hindi pala. mabilis at medyo nakakatakot pa nga ang bus ride. tipong muntik humampas sa kawad ng kuryente. pero nasa kabilang side ako at nasa aisle seat.

pagdating ng alaminos, mcdonald’s. big mac sa akin. ito ata ang dumali sa akin kinabukasan ng umaga. mabigat ang bagahe dahil sa tubig at canned goods. pero ok lang. adventure. nag-jeep kami pa-burgos. antagal. nag-tricycle kami papuntang beach. antagal lalo. napagkasunduang option a: 1st night sa isla, para makasimba kinabukasan nang 1030 sa malapit na chapel at mas madaling makakapaghanda pauwi.

hinatid kami ni manong shotgun sa isla at susunduin kami kinabukasan. maalon. malakas ang alon. pansin ko pero hindi ko talaga pansin dahil sa excitement. 2 years mula nung huli kong adventure kasama nina venjo. maganda ang isla at solo namin noong una. yung sumunod na hinatid ni manong shotgun, mababait din. wala lang aperture. nagbabad kami pagka-setup ng campsite. 3 tent. sa tubig, biological warfare gamit ang mga seaweed. sana ok lang sa kanila. at salamat sa kanila, nag-enjoy kami.

noong gabi na, nag-iinom na kami nina venjo at carlota sa dagat pero may namataan daw na ahas sa malapit yung sa isang grupo kaya pinabalik kami ni miro sa campsite. nakuhanan pala ni miro ng picture yung ahas. kinabukasan, nakita rin namin nina venjo, kevin, at goey ang snake pit. pagka-hapunan ng maraming tuna paella na ininit sa legendary kaldero at portable stove ni venjo, inuman at kwentuhang high school barkada. ang sarap ng pakiramdam. nagtext-text akong konti sa nanay ko para mag-report na ok kami at kay best para sabihin gaano kasarap ang ganung bakasyon.

hindi kasi kaya ng camera phone at marahil, mas gusto kong ipaubaya na lang sa sariling alaala dahil mahirap din namang kalimutan ang ganoon tanawin—ang mga bituwin. maraming pagkakataon na natuwa ako sa dami ng bituwin na nakikita ko sa langit. sa pagkakaalala ko, nung nagpunta akong negros, sinabi ko pa, walang ganoon sa amin. noong mga nakaraang bakasyon din namin, ang sarap tingnan ng mga tala. pero ito talaga, parang pinakamarami ang nakita ko. noong sabado ng gabing iyon, punung-puno ang langit ng mga bituwin at naka-isa pa akong shooting star. ang sarap. ang galing ng Gumawa ng mga iyon. ng dagat, ng beach, ng mga tao, ng lahat. panalo.