Avocados

mga piling araw

Name:
Location: Makati, Philippines

Ignorance is bliss. I'm often better with numbers than with words. Notes... maybe. I am quite deaf and rather silent. I let my music compensate.

Sunday, August 28, 2011

don’t cut your crosses

you shouldn’t run away from your problems and trials. you have to solve and get through them.

another one of those not so good weekends. probably because of the weather, but i guess my lazyness isn’t just dependent on that. i’m lacking that push i need. the drive, apparently is really hard to find.

watched 2046 last night. will watch in the mood for love this coming week. will go to work tomorrow. hope that tomorrow, the week would start well and end well too. too much to finish, not for the given amount of time, but for the readily available effort.

but yes, problems will end when solved. and when new ones arrive, they should be handled better, easier.

Saturday, August 27, 2011

long weekend after a long week

pero papasok pa rin naman sa lunes at martes. haha. ayos lang.

mabigat ang nagdaang limang araw sa trabaho. dalawang gabi ang pinalipas ko sa opisina, lunes at huwebes. hindi ako nakatakbo nung martes at hindi nakagimik nung miyerkules.

mga mga napala naman sa mga oras ng trabaho, pero may mga hindi pa rin natupad sa loob at labas ng opisina. masarap ang tawanan kagabi kasama nina arianne, jj, at liza, sa pagsasara ng nakakapagod na linggo sa trabaho.

kagabi, twitter achievement. ngayon, balik na ako sa pagtuloy ng mga blog na ito dahil tapos na ang isa na namang challenge week na hindi rin ganun kamatagumpay. pero pwede na rin. hindi naman puro palpak. napangiti naman ako at siguro naman, may mga napangitin ring iba.

ngayong sabado, maulan sa labas. tuloy pa rin ang pangangailangan kong ayusin ang mga bagay-bagay sa buhay ko.

Sunday, August 21, 2011

sleepy eyes

the weekend’s almost over. i think i’m recharging too much but i think it still isn’t enough.

27th anniversary of residence today. yey. haha. well, i’ve been here since birth. eitherway, a day of thanks. and yes, it’s actually nice and quite appropriate that i spent it enjoying the comfort of sleeping at home.

Saturday, August 20, 2011

short end of the tomato

hindi ko nagawa ang una at huli sa mga balak kong gawin ngayong araw na ito. pero ayos lang. sa kasalukuyan, ako’y busog pa sa victory party namin sa el buono, at sa wakas, nakapangumpisal na uli ako.

refreshing ang araw na ito dahil din naulanan. pero kung tutuusin, masyado akong nagpahinga ngayong agosto. napatagal ang recovery period ko dahil hindi rin tumaas nang todo ang dami ng napapala ko sa opisina. dapat makatakbo na uli ako sa martes.

hindi pa ako sigurado kung sa adidas king of the road o sa run united 3 ako uli sasali. kung anuman, sa susunod na buwan o sa nobyembre pa naman yun. ngayong agosto, ang dapat kong mapala na hindi nauugnay sa trabaho, makatapos ng mga kanta.

Friday, August 19, 2011

friday nights at home

and it was filling. had spaghetti then rice and giniling then a bit of baked mac. spent most of the night texting and watching tv.

today was one of those days that could have been better but didn’t turn out to be so bad. i really need to go to greenbelt chapel tomorrow.

plans for tomorrow: sideline, “overtime”, el buono, greenbelt, alabang.

i’ll have that veggie ramen on monday.

parang tanga lang talaga

hindi ko alam kung anong kailangan kong gawin para umayos ang pakiramdam ko ngayon. nakadepende ata talaga sa ibang tao.

Thursday, August 18, 2011

prison?

it seems to be no freedom for me tonight. haha. oh well. will have to make the best of the day today.

Wednesday, August 17, 2011

hindi dahil 3in1, mabuting ideya uminom ng 3+1

pero umepekto naman din. medyo naging hyperactive. maya-maya, hyperacidic. salamat sa nescafé 3in1 strong and rich.

inaantok ako. burnout? o hindi lang talaga kaya ng katawan simula pa lang? basta, dapat kayanin. dapat maging magaling.

mukhang wala akong masyadong natapos kanina. nakarami lang ng ingles sa product presentation ng supplier ng expansion joints. oh yeah. bukas, big day. kailangang maging big day at rocking night!

lifting weights

i have a feeling i won’t be going home early tonight. work. well, i’m not early afterall.

Tuesday, August 16, 2011

onion rings

hindi ako na-late kaninang umaga pero nakatanggap ako ng email na nagpaalala sa akin na late na naman ako sa commitments.

umaga, meryenda/agahan, tuna sandwich mula sa mr. donut. may kabagalan ang pakiramdam ng umaga at may kabilisan ang oras. tanghalian, chicken sandwich sa burger king. lunch out kasama si ailene. take out ng onion rings para matuwa si iris pero kahit ata wala, tila tuwang-tuwa naman sila ni cesar.

hindi ako nakauwi nang maaga gaya ng inaasahan. nagkita pa kami ni dian saglit bago ako nagtungo sa mcs para bilhin ang pouch ng bagong myphone ng tatay ko. natulog ako sa sofa pagkatapos maghapunan at maya-maya, nang gising na ako at nakatapos na sina mama ng rosaryo, medyo hyper sa facebook sa cellphone habang nakahiga pa rin sa sofa.

maraming hindi mabuting tila umuulit at hindi natatapos. parang onion rings lang ba, bilog, umiikot lang? pag kinagat ang onion ring, napuputol ang bilog.

andito sa pilipinas si paris hilton. nakita ko pa kahapon ang billboard ng azure at may pagkakaugnay pala siya doon. paalala ng mga hindi ko natapos. may hindi pa ako natatapos ngayon. kailangang makatapos. kailangang kagatin ang onion ring.

Monday, August 15, 2011

tama na ang softdrinks

yesterday morning, we went to bulakan to attend Mass and visit lolo, lola, and tita cory at the cemetery. stopped by at ate' fe’s for some pancit. pancit was great and i owe a lot of it to the bathroom break. we didn’t get to drop by the house since we didn’t have much to do. hopefully we’ll get back there some time soon with buds handling some work to be done.

lunch at waltermart by 1pm. cute thing happened when i got back from the restroom to wash my hands, a kid, maybe 2years old, was walking then looked at me then came to me. i was sitting there amazed at how cute the scene was.

tinola jam by 6+pm. i went home rather late. nice jam with new drummer. it was great of goey to recommend him and give us a ride. ack. i need a ride.

best and i have been texting these past days and i thanked her last night on how i tended to be down but her company lifted me enough.

today was so so at work except that i think i did some progress for the intake structure requirements. tomorrow, more things to accomplish at the office. work and non-work related.

a simple compliment. wow. i’m actually having difficulty delivering. interesting. very.

Saturday, August 13, 2011

liwanag ng buwan

tulog ako halos ngayong sabado. stressed at walang nagawang mabuti at kapakipakinabang. kailangang baliktarin.

pero masaya kagabi. matapos ang work week, kumain kami nina arianne, iris, cesar, at tristan sa korean restaurant sa ortigas. masaya at nasarapan naman ako sa pagkain. at soju. nostalgic ang lasa ng soju. medyo nostalgic din ang pakikipaglaban sa mrt.

pagkatapos kumain at maglakad nang malayo pabalik sa edsa, nagtungo ako sa 77. natrafik lang sa cubao pagkababa ni tristan at sa gma ako bumaba. nawala nang konti dahil sa timog ako naglakad at nag-taxi na lang para makarating sa 77.

matao pala pero natagpuan ko rin sina cara, john, at kasama niya. panalo ang pagkain at naka-2 redhorse ako at kalahati nung green bottled san miguel beer na hindi inubos ni sunny na late dumating.

masarap ang kwentuhan. dapat nga gawin namin yun “once every convenient span of time.” sumabay ako kay john pauwi, at sa edsa, napansin ko ang liwanag ng buwan kahit may kaunting ulap.

Thursday, August 11, 2011

visitation rights

may karapatan na akong tapusin ang mga kulang ko sa rodriguez intake structure. sana kaya. konti na lang. para malibre ko na rin sina sir tj at maam raizel ng kape.

patapos na pala ang work week bukas. sana pagpatak ng alas-sais, tapos na nga at sa lunes na uli. gala. gala. gala!

Wednesday, August 10, 2011

gray water

it’s not the end of that story. err.. storey? haha.

got home quite early to rest. will probably get to sleep relatively earlier tonight. things seem and should be going for the better at work although still not there at the moment. shaping up.

i should shape up physically, too. i should get back at it. skipped jogging tonight but did some (quite a few, really) reps with my free weights. and yes, spaghetti. haha. i think i have to secure myself of pasta.

Tuesday, August 09, 2011

over time after time

ang tagal ko nang hindi nakapag-o.t. nang ganito, gabi na pero hindi sa opisina natulog. pero ayoko nang mag-overtime bukas. kailangang maging mas efficient na kami. at kailangang pumasok bukas nang maaga para sa mga hahabulin. hindi kagandahan na naman ang simula ng araw ko. simula, bale paglampas ng cinderella time, gising pa ako. at wala namang nagagawang kapaki-pakinabang. bukas, bukas. isa na namang bukas na inaasahan. salamat at may bukas pa.+

Monday, August 08, 2011

is this the turning point?

the weekend was bleh. got som scolding last friday. did some o.t. last saturday. slacked off at home yesterday. come monday, i think i was smiling most of the time. still unaccomplished, but wanting to find that drive even more.

drastic change at the office today: switched places. i put the shangri-la team in my cubicle. i hope we get much further with this setup.

maybe the balance diet is really does have good effects on me. and a happy phonecall really makes one, well, happy. getting along with the people at work does help. above all, having faith and not fearing does a lot. +

i have debts of calcs and drawings and i’m not sure how to deal with them given new imposed rules. and i gotta give some time after office hours to some more work. these are gonna be challenging days. i look forward to a happy weekend.

Thursday, August 04, 2011

in case of fire, click ok and run

this morning’s seminar was good. this afternoon’s time at the office wasn’t so. also, i had pretty strong opinions. i hope i didn’t hurt people with those.

i felt guilty for not minding the kid who played some beats for some cash. Lord, please bless him. and money matters and that big problem i’m facing with it, they don’t seem to be getting better.

good feeling tonight, i got to pray the rosary again with my family. gotta get back at keeping prayer consistent in my life.

Wednesday, August 03, 2011

not good with goodbyes

hindi ako sanay mag-bye bye. last day ni bianca kanina sa office at medyo matabang ang araw. ayun, mukhang malungkot nga siya. sayang, walang despedida. marami kasing wala.

tingin ko, medyo nakapagpaalam na ako sa kanya. nagkaroon na rin ng transition mula sa pagiging kaibigan sa office papunta sa kaibigan sa labas ng office nung makahalubilo ko siya at ang kanyang bf at mga kabanda kagabi hanggang kaninang madaling-araw.

nagkape kami ni arianne kasama sina jj at iris. kape ngayon. salit-salit. kape-beer-kape. bukas, good luck sa office.

Tuesday, August 02, 2011

recovery period

palakad-lakad na uli ako sa office kanina. tila naghilom na ang mga binti ko. pressure sa office pero medyo maganda ang nadudulot na pakiramdam ng pagpunta sa meeting. bukod pa sa medyo nakakabili/nakaw ng oras para sa mga ipapasa.

kailangang magrelax.

Monday, August 01, 2011

new wave

well, nothing really about new wave music. new month and i hope i get to fix my march/august problem. haha. nothing new really, but yeah, i really need to get that newness.

some smiles weren’t present today and it was noted. reasons to be sad, reasons to not smile. gotta get people smiling. well, i think i did succeed in getting smiles today and giving some, too.

the song keeps playing in my head, though. shawn mullin’s lullaby. “rock-a-bye… bye… bye…”