Avocados

mga piling araw

Name:
Location: Makati, Philippines

Ignorance is bliss. I'm often better with numbers than with words. Notes... maybe. I am quite deaf and rather silent. I let my music compensate.

Wednesday, November 30, 2011

bonifacio rest

bonifacio day. walang pasok. halos wala ring trabaho para sa akin para sa project sa fort bonifacio. nakakatamad. hindi ako masyadong pagod sa mga nagdaang araw pero hindi pa rin ako ganadong gumawa nang maliksi.

hindi pala ako nakapag-blog nang mahigit isang linggo. ano bang nangyari mula noon? ang naaalala ko, naka-isang mapagpahingang weekend ako. noong lunes at martes, pagod-pagod sa paghahabol sa B2 at nagpunta pa akong site. katunayan, kahapon, balak kong isuot papasok ang safety shoes ko pero pagkasuot ko, nagkalat ako ng semento at buhangin sa sahig dito sa kwarto ko.

noong martes ko rin nakuha ang bluetooth headset ko na natuklasan kong hindi pala pwedeng pang-music playback kasi walang A2DP(?) nalaman ko rin ang gamit noong spec na yun. ok lang naman dahil tila nasusulit ko ang pagtawag at pagtanggap ng tawag salamat sa sun. buti pwedeng multi-point sa dalawa kong selepono.

hassle lang din, nagkamali ako noong sinubukan kong tawagan si mama. dahil naubusan ng baterya yung handsfree, binaba ko na rin ang tawag. sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari, muntik madisgrasya si mama. buti sugat sa bandang siko lang. sobrang pasasalamat ko sa Diyos na hindi siya napahamak. nakakapanghinayang lang din, halos wala akong magawa para makabawi.

pa-easy-easy lang noon miyerkules at huwebes sa opisina. umuwi pa nga yata ako nang maaga-aga noon. noong biyernes, nakalakwatsa kami nina arianne, cesar, at ailene. nakakatuwa dahil may bagong recruit sa gala at panalo ang taste ni ailene mula pizza, pasta, hanggang yogurt.

nakarami rin ako ng tulog nitong weekend. wala gaanong pressure galing kay danilo pero may utang pang trabaho. mukhang maayos naman ngayong ang pinoproblema namin mga poste pero mas maganda sana kung naagapan agad at hindi naging problema sa site.

nakakuha kami ni kuya beboy na magkita at kumain sandali noong linggo bago ako magsimba. noong lunes, naupakan nina jj ang piyaya. buti may natira pa sa akong isa.

marami-rami ring nangyari at napala sa dalawang araw na pasok at masarap magpahinga ngayon. sayang lang at may mga pinasa pa kami kaya hindi kami nahintay nina cesar at linette kaya kami na lang nina tristan at arianne ang kumain sa mang inasal. nagkape na rin kami ni arianne habang pumunta na sa tagaytay si tristan.

dahil ginabi ako, hindi ako nakatulog hanggang kaninang mga 5:00. sana makapagpahinga nga pero sana may mga magawa ring kapaki-pakinabang. home alone ako ngayon, nasa kwarto, nakaharap sa pc. baka bukas o sa biyernes, may mga bilhin akong part. psu siguro. nagugutom ako,

Saturday, November 19, 2011

pancit pancit spaghetti

good weekend so far. mama’s birthday was celebrated with a lot of food. it was mostly sleep and eat and need for speed today but i did some small chores today. wow. i’m quite proud of myself. haha.

happy birthday. she looked a bit tired but happy nonetheless. i wish i could have done more but i’m thankful for another year in her good life.

weekend, no work. i avoided work-related phone calls. sorry. which reminds me, i should remember to reply to danilo’s text message. wait. i’ll do it now. done.

i hope i can enjoy the rest of the weekend. or at least rest during the rest of the weekend. monday promises to be heavy. i don’t even want to check my work email now.

but work is still more than a day away. besides, i have an appoinment with my denist in the morning. oh, which means i have to send out instructions tomorrow night. oh well. but that’s still quite a day away.

this afternoon, i found out that i have php2,200 more for my pc “budget” since i accounted for the whole php3,300 cost of ms office. since the price is for 3 licenses, i should have accounted for only 1 third. this means i can get an i5-2500k but i have to get a more ordinary ram. no problem there. i’ll just overclock the cpu. yeah! and i get to get a coolermaster v8.

maybe i’ll buy a power supply and optical drive on friday. i sure hope my mother’s ok with this. she isn’t so against this as she usually is. with my money problems, i need to really play my cards right. timing and the right buys for me and for them.

i realized, incremental buys don’t hurt my wallet as much. well, not as obvious. and the decision to buy the harddrives yesterday feels right since the projection is that prices will stay up and keep going up until end of next year. i sure hope i get a good bonus from work this year.

oh, today, i got to assemble the old barbeque grill. nostalgic.

Friday, November 18, 2011

sweek

sabi ni danilo noong lunes ata, “this is gonna ba a particularly shitty week.” tila nga. dalawang gabing natulog sa opisina, dalawang beses naging ungas sa mga katrabaho, isa’t kalahating araw na leave, isang late, at konting heartbreak. mukhang marami namang napala. pwede na.

kailangan ko ng social life. naka-3 day streak na ako sa nfs world treasure hunt na isang malupit na pang-level up na mas pinaganda pa. sakto, kung kailan nakakauwi na ako. nakakapagtaka lang, nawawala ang mga pulis mula kagabi.

weekend, kailangang sulitin. hindi dapat kasama sa shitty week ang weekend. sa opisina lang dapat yun.

Sunday, November 13, 2011

lazy on a sunday morning

i think the most action today was a riff during tinola jam.

i really need that reset.

Saturday, November 12, 2011

i need a snap snap reset again

wala na, nasira na ang aking daily habit ng pag-blog at pagdasal ng rosaryo. snap snap reset dapat uli.

may isang beses sa nagdaang mga araw, napalayas ako ng isang ipis dito sa kwarto ko. napatay ko na siya ngayon. isang hampas. nagtago siya sa ilalim ng squier amp ko. nag-i-internet ako sa netbook ko nang makita kong may gumagalaw sa ilalim ng drafting table ko. ngayon ko lang naisip, sana hindi nagpugad yun kung saan sa kwarto ko.

marami akong naitanim na pagkakamali sa mga araw ko. kaya madalas akong pagod. kaya madalas akong maraming kailangang gawin. ito nga, kailangan ng reset. paano ba kakakapag-reset ngayon?

Sunday, November 06, 2011

strike 2

this is the second long weekend in two weeks and i missed the chance to go out with my best. well, it can’t be helped. i’m not looking at a strike 3 because next week doesn’t have a long weekend. haha.

yesterday, i bought kevin’s strike noir and strike+iwsp. he needed some cash. the two looked good side-by-side although i have them now standing in for shenlong and heavy arms with other stand-ins. i wonder when i can get the time to build.

i also wonder when i can get the time and inspiration to write again. write songs. even just writing blogposts, i passed on for a few days.

no holiday for me tomorrow. well, today was almost a lost sunday. i find myself blessed because i have upto 4 churches where i can hear Mass at any time of the day. i need to get some spiritual duties done. it’s one thing to miss out on things like blog posts and creative outputs, but it’s a more serious matter missing out on things that are needed by the soul—mine and others’.

another challenging day tomorrow. gotta get good at it.

Tuesday, November 01, 2011

beef lunch

todos los santos ngayon. matagal bago nagsimula ang araw ko. malamang dahil sa pagod. tanghali na kami nagpunta ng tatay ko sa loyola memorial park. kaming dalawa lang. kasama nina buds si ate, may pasok si yonni kaya kahapon sila pumuntang tatlo nina adette at judith.

mabigat ang lunch ko kanina, beef chow fan at beef wanton. nakapagdeposito na rin ako sa bpi express deposit at bumili ng mga cd sa park square. hindi ako nakabili ng external harddrive dahil wala ang hinahanap kong seagate goflex 1tb. at tila wala ring may esata connector.

nakapagsimba ako nang 6:30 at masarap ang uwing pancit at balut nina mama, tita chato, at tito nonong.

patapos na ang long weekend. tila nakapahinga naman. bukas, kakain kaya ako ng veggie meat?