Avocados

mga piling araw

Name:
Location: Makati, Philippines

Ignorance is bliss. I'm often better with numbers than with words. Notes... maybe. I am quite deaf and rather silent. I let my music compensate.

Wednesday, February 29, 2012

1 big leap

i never thought the 29th of february would be this significant. well, it is. enter yellow. mission start. go go go. february closes with some highlights. i’m overflowing with emotions for words. now i have to get back to work after getting a good to go confirmation. this is exciting. challenging. exciting. ack. words can’t contain. Thank You God.

Monday, February 13, 2012

364 days late

i think i made my best friend cry today. well, some tears of joy. a little drama before and giving the unfinished gift via email either made it less or more special.

did mostly that, emails, during work. good thing i got home rather early. spending the night texting. a lot.

rainy mondays don’t have to be so sad.

Sunday, February 12, 2012

2 avr down

nasira na naman ang avr. baka yung extension cord na ang problema. haay. sayang. yun yung lumang avr na ang tibay kahit mahigit isang dekada na.

halos paumaga na nang makauwi ako mula sa bday ni lyan sa bahay nina jo. konting inom, tugtugan at kantahan.

halos buong araw akong tulog. sablay. ewan kung badtrip sa akin ngayon ang mga magulang ko kasi tatamad-tamad ang anak nila. sana naman hindi. kahapon pa naman, sabi ko sa sarili ko, do more, achieve less tila ang nagawa ko, do none, achieve none.

nagsimula rin akong ma-down ngayong araw na ito. buti, nakaangat ng kalooban ang pagsisimba at pagkanta sa choir. at ang nakakaaliw na makinang na sapatos ni mhaelord.

kailangan kong bumili ng extension cord na sana ok. sana extension cord nga lang ang problema at hindi ang mismong outlet.

Saturday, February 11, 2012

4 my voice

nahuli lang ako nang kaunti sa padasal para sa anibersaryo ng pagkamatay ni ninang fro pero umabot naman. salamat at nakaalis sa trabaho at hindi nagpagabi ngayon.

medyo nadidismaya sa trabaho nitong nakaraang mga araw at buti kaya ko pa. ngayon, nakapagpahinga nang kaunti pagkatapos ng padasal, ako’y papunta na sa praktis ng choir.

sana kaya na ng boses ko. halos wala ang boses ko sa opisina nung miyerkules, absent nung huwebes (pero gumimik kasama nina best at angel nung gabi) at maayos-ayos na kahapon. inuubo pa rin pero kakayanin.

medyo late na ako para sa practice.

Tuesday, February 07, 2012

1 minute before time

cheers to a good day turning out to be bad but not so bad that it ends good. great, in a way, with pizza and pasta since today is tita ellen’s heaven anniversary. +

i’m a bit lost for words and with things i want to check around the net, i can’t think of anything to write. funny since i’m having difficulty with my voice as well. hope to regain my voice soon.

got to work at 8:59 and left before 8pm. not bad. i should have time and energy to go out in the following weeknights, though. yes, i absolutely must.

got mu coat’s hanger today and it sucks how it was broken. repairable, though. hope the mighty bond won’t fail in time.

i got my official time for last sunday’s run, and boy was it bad. haha. i have to stop keeping the minimum and go for more.

Monday, February 06, 2012

levels 2, 3, and 4

hindi kagandahan ang simula ng araw at ng linggo dahil sa masakit na katawan paggising at sa dumami nang problema sa trabaho. natapos ang araw sa trabaho nang mga 10 ng gabi. mukhang bumuti naman. sana, isa na naman ito sa mga “start bad end well” na linggo.

nagdalawang-isip ako kanina. hanggang ngayon, hindi pa ako desidido. sabi ko kay manong ronald(?), bukas, pupunta ako para sabihan siya kung bibilhin ko ang “plum 10”. pero bukas ko na siguro pagdesisyonan.

ngayon, kailangan kong magpahinga. mukhang kailangan ko ngang kunin ang katinko sa baba para guminhawa ang pakiramdam at paghinga. kailangang makasarap ng tulog ngayon.

Sunday, February 05, 2012

skyrun 2012 16k finish

did 16k more than 3 months after doing 16.8k. i think i’m keeping with a minimum rate and not improving. i just realized today, i shouldn’t count that adidas run as training. technically, then, it’s been a little more than 6 months that i’ve had no training.

fun day with iris doing 10k. kinda missed best who didn’t get to come. didn’t meet ailene although i saw her around the 15? km mark of her 21k run. met bianca and aldrich at the medal redemption and carl toribio at the baggage claim area.

there’s seems to be a negative thing about me doing this because i can. oh well. won’t be overanalyzing this one today. still, i should absolutely train for my next run and it should be a half-marathon again. target time for run: midyear.

tinola jam cancelled today so i got a bit more sleep. so i had mcdonald’s pancakes with iris for late breakfast and jollibee chickenjoy for late lunch. i’ll be having home cooked food for early dinner tonight.

much energy spent this weekend and some more to spend before i ends. this should have me in momentum for a difficult work week starting tomorrow. i see i’m gonna get far with this, but i should also train more.

supposed skyrim pun in title. just had to state since it’s not so obvious.

Saturday, February 04, 2012

2 weddings in 2 weeks

wala pang dalawang linggo ang nakalilipas nang ikasal sina sir tj at maam raizel. kanina, sina jonas at claire naman. mas may impact ito kasi matagal ko nang kaibigan si jonas. masaya.

hindi ko ide-dedicate ang post na ito sa aking mga damdamin tungkol sa kasal nila o sa ideya ng kasal. mabuti naman. maganda. napapapaniwala ka sa happy ending at sa new beginnings.

ang gusto ko sa pagdalo sa kasal, napapabihis ka nang maganda. haha. ang babaw. pero yun nga. isang bagay din ang mga kasama. picture picture. at napapa-upload na rin ako sa facebook. bagong phone, bagong taon, bagong trip.

medyo nanghihinayang lang ako sa isang retratong hindi nabili kanina sa reception. oh well.

tila wala ako sa full condition para sa condura run bukas at hindi rin tatakbo ang best ko. pre-owned din ako kay ailene dahil sa hindi ko pagtakbo sa 21k distance. hinihintay ko si iris ngayon para sabay kaming pupunta sa madaling-araw.

mangangalahati na ang weekend. sana sapat ang lakas para sa mga gagawin bukas mula umaga hanggang gabi. takbo. tugtog. kanta. sayang naman kung mapepwersa ang katawan kung kailan bumubugso ang damdamin.

Friday, February 03, 2012

5 days of work in a week

i think i’m closing the work week ok. could have been much better but still ok. people starting to say goodbye, me getting to step up in position, doing things my seniors have been doing. meetings. doing interviews. emails.

i’m starting to have a sore throat. maybe it’s because of the chillz during afternoon breaktime with cesar, arianne, and jj. chicken balls, squid balls, and fish balls at ministop. nice.

after work, i bought myself a long sleeved polo. pocket ouch. well, it would have hurt more if not for the 20% off. maroon and black fine stripes. i hope it’s gonna be worth it. chose it over the violet one because at least 2 would be wearing shades of purple in jonas and claire’s wedding tomorrow. and the other one was quite shiny.

had a haircut after and went home. fruits basket looks good. i just wonder where i’m gonna stay while waiting if i go to the church early.

i hope i won’t check my email during the weekend. it’s gonna be an eventful weekend again. ah, yes, 5 days of work a week. that’s how it’s supposed to be.

Thursday, February 02, 2012

2nd month

ang cool ng magic kahapon. sayang, hindi masyadong napaabot sa araw na ito. kahit papaano, ang challenge ko sa sarili ko na tapusin ang araw na ito nang mabuti sa kabila ng hindi ganun kagandang simula.

nagsisimula na akong magutom. magpapadala lang ako ng ilang text at kakain na ng hapunan. kailangang magpakabusog.