2 months of may
I can't describe in simple words how happy, sad, complete, missing, uplifting, saddening, inspiring, thrilling, difficult, lovely the past month has been. this i can say, though, i love mhae.
mga piling araw
Ignorance is bliss. I'm often better with numbers than with words. Notes... maybe. I am quite deaf and rather silent. I let my music compensate.
I can't describe in simple words how happy, sad, complete, missing, uplifting, saddening, inspiring, thrilling, difficult, lovely the past month has been. this i can say, though, i love mhae.
masaya, pagod, inaantok, masaya.
noong lunes ng gabi, napanood na rin sa wakas ang avengers matapos mapanood ang incredible hulk at thor habang may sakit. at dahil sa kinulang ng oras noong weekend, bumawi hanggang sa mga huling sandali ng abril. (hmm… last day of april nga pala umalis si april.)
pasok, mayo. tagaytay trip. kinabahan na baka mahuli, nauna pa kaming dumating ni mhae sa metropoint. nasalubong namin si daisy. breakfast sa mcdo, mamaya, andyan na sina ms. anne, marly, at kitchie. at iyon na ang simula ng 300+ na retrato at pagkaubos ng karga ng baterya ng xperia ko.
pauwi, nung gabi, nagsimulang bumilis ang oras palapit sa netherlands. sana tumigil ang oras habang nasa bus at nagpapahinga pagkatapos ang nakakapagod at masayang lakad.
kahapon, adobo rice day. and night. kabusog. isa sa pinakamasarap na lunch out ko yung kahapon. ay, correction. pinakamasarap pala. masarap na pagkain at masahe matapos ang matagal at mahirap na paghihintay ng taxi sa global city na kinalaunan ay nag-for bus na lang ako.
sayang, dahil kulang sa tulog, hindi na nakasama sa dinner si mhae. nakasakay naman sa taxi agad galing site papunta sa kaninla. malaking tulong ang kaspersky bag sa pagbubuhat ng mga plano.
kaarawan ng tatay ko ngayon at 5 taon na ako sa trabaho. 63 years old na pala si papa. in 2 years, dapat retired na talaga siya. sana sapat na ang kinikita ko para mag-relax-relax na lang silang dalawa ni mama dito sa bahay. idol ko ang girlfriend ko.
kanina, sinabi ko, mas masaya ang nagdaang 5 weeks kaysa nangyaring 5 months noon. oo. tama. totoong-totoo. ang sarap ng pakiramdam.