8 months of treasured times this year
tila bumalik ako sa 1 post per month at napasulat ako dito ngayon dahil hindi makakonekta sa nfs world. aba, tatlong oras na pala akong naka-online, nagbabasa-basa ng mga article tungkol sa cellphone at nawili (na naman) sa phone timeline ng sony ericsson.
agosto, nakapag-perform ako sa unang pagkakataon kasama ng SMC pagkatapos ng communion. masarap. pero maalala ko, kailangan ko makapangumunyon uli. target: this weekend. hassle lang, 2 months ko na palang tinatarget ang weekend. 1st saturday bukas. para sakto sa schedule ko talaga.
hindi namin namalayan, ngayong buwan ng agosto, nawala sa kumpanya ang project ko. maraming kalungkutan pero may halong ginhawa. sa nagdaang linggo at darating na mga araw, kailangang masara lahat ng masasarang problema. aba, mahigit isang buwan na pala mula nung anniversary party. anticlimactic? ewan. sulitin na lang ang nalalabing mga araw.
at may mahigit nang konti sa dalawang buwan na lang bago ang isang taong pagpupursigi upang makaipon. at sa buwang ito, marami kaming nagawang masaya sa kabila ng mga sablay at konting away (may walkout drama pa). nakahabol kami sa last showing ng the amazing spiderman. nakasama naming manood ng bourne legacy sina kuya jho at ms.anne. naka-dalawang movie night kina ms.anne. sayang lang, hindi namin napanood ang the dark knight rises, brave, at the healing. ay, teka, last month ata yung spiderman. kung anuman, tila nakarami kami ng pelikula ngayon. isama pa yung the reunion kasama nina jemma at kulit.
nakarami rin ng pizza. greenwich noong nanood kami ng sine nina jemma, pizza hut kasama si daisy nung maulan at hindi nakasama si ms.anne, at dominos nung tuesday. hmm… may mga luha sa dalawang araw na iyon. ang masarap, pagkatapos ng luha, may mahigpit na yakap at kasiguraduhang maganda ang mundo.
matindi ang ulan na dala ng habagat pero matindi rin ang saya ng pagsasama at pagkasabik sa pagkakawalay. nakakagaan ng pakiramdam na komportable na sa pagpunta-punta dito pagkain kasama nina mama at papa. ang sarap. di ko naisip na magkakaroon ako ng ganitong relasyon. at na kasundo ko ang mga kapatid niya. panalo. nakakatuwa na kung gaano ako kakomportable kasama ni gen, ganun din kay ara nung nagawi siya dito nang isang araw.
medyo nami-miss ko lang ang mga trip ng barkada. huling kita ko ata sa kanila nung belated bday ni thad. hindi ko pa nabati si menard last month. pero masaya ang bday ni ms.anne sa hiyas ng maynila. sabit lang sa farewell song pero malamang dahil pagod sa paghalubilo sa mga bata. ang sarap din ng pakiramdam. nakakapagod na nakakasarap ng pakiramdam. parang jogging lang. nakasama rin ako sa bday ni jundette at mini-reunion sa antipolo. muhang boto naman sakin at wala naman akong problema sa kanila.
mukhang foreshadowing na sa antipolo kami nagpunta. kailangang bumalik doon para sa kwintas at para mag-alay para sa ligtas na paglalakbay na nalalapit na. iba yung pakiramdam. nahihigitan ng pag-asa at pagkasabik ang lungkot. salamat po. aba, this month din pala na-claim yung rudy project luggage bag.
nakadalas din pala kami sa glorietta. bukod sa sine at timezone nung bday ni jemma, nag-krispy kreme claim date din kami nung pinapalitan ko yung globe sim kong nasira. buti talaga pinahiram ako ng tatay ko ng globe niya nung ilang araw na yun. at nag-glorietta uli kami para mabili ang PHP3,500+PHP800GC na sperry top-sider matapos ang matagal na pagpapasiya. at naka-ilang landmark trip din kami at grocery trip sa landmark at waltermart.
malapit na ang nobyembre. buti nobyembre pa. masusulit ang setyembre at oktubre. ah, may sapat na panahon para matapos ang recording. nasimulan na namin at testing. nasubukan ang video pero mas ok pa rin ang track recording. project for september. bukod pa syempre sa para sa bday. at sa oktubre, baka bumiyahe at magbakasyon. oh yeah cebu pacific seat sale alert. hmm.. may bagong pwedeng gawing cover photo sa facebook. ka-career-career ang timeline. kailangang makaisang galing bakasyon at isang music related. o pwedeng combined. hindi kasi pwede yung ginawa kong graphics, e. ok lang, nasa timeline naman. medyo gets ko na yung sense at kung paano naging mas madali kahit medyo magulo ang timeline layout. mas ok siya sa pag-backtrack. pero pag recent events, magulo nga. oo, pag-isipang mabuti ang timeline. naka-timeline na ako sa facebook. at tila hindi na ako madalas mag-twitter.
baka matulog na ako. buti wala nang langgam sa kwarto ko kaya bumalik na sa dating komportableng pagtulog at paggising. nasanay akong patulog pa lang nang ganitong oras. medyo naiba lang ang routine dahil change shift for the week. 4am to 1pm imbis na 230am to 1130am. mamaya, susuutin ko na uli yugn top-sider. mamaya, last day of august, end it well, start september even better. di ako pwedeng ma-late mamaya. na-memo na ako at baka ma-suspinde. wag naman sana. di naman siguro ako male-late. nfs world muna. treasure hunt streak.