family 1st
Buwan ng rosaryo ang oktubre pero para sa akin, buwan ng pamilya. Sa bagay, the family that prays together stays together. Na-miss kong magsimba kasama ang pamilya. Bahagi ng dahilan ang napagkakaabalahan kong choir. Pag kinaya, dapat mapilit na makasimba pa rin kasama nina mama at papa.
Tulad ng pagsisimba, dapat mabalik ko sa aking routine ang pangungumpisal sa unang weekend. Nagawa ko nitong oktubre. Sana matuloy ko. Pero syempre, sana mawala na yung routine ko ng pagkakasala.
Sa unang dalawang linggo ng buwan, halos nabigay ang oras sa paghahanda para sa pagkanta sa kasal. Masaya naman ako at maayos ang pagkakakanta. Ang ganda ng till i met you ni mhaelord. At ang saya talaga ng smc. Maingay lang at maraming flash sa camera at lighting para sa coverage kaya migraine kinagabihan.
Ayun na naman ang bittersweet migraine. Inalagaan ako ng mahal kong nanay at tatay nung gabing yun. Sana maging mas resistive na ako sa stigma. Ayoko nang atakihin ng migraine.
Buti bumuti pakiramdam ko at natuloy kami sa bicol nung 16. Nakasakay na ako uli sa eroplano at 1st time ni mhae. Libot sa legaspi tapos akyat sa bundok papunta sa bahay nila. Napagod sa biyahe kaya tila andaming tulog pero yung oras na gising ay napakasaya.
Main event siguro yung bday ng dingdong. Pinakamasayang party ata yun dun at ang saya ko rin na naging bahagi ako nun. Masayang maging bahagi ng pamilya ng minamahal mo. Huwebes ng gabi kami umuwing makati at biyernes ng umaga na dumating.
Nasayang ang ilang pasalubong dahil may sakit pala si mama. Medyo sinisisi ko sarili ko na hindi ako naging responsable para asikasuhin ang hindi maasikaso ng nanay ko habang may sakit sya. Nakabuti rin sana yun ng pakiramdam niya.
Wala halos pressure sa opisina pagbalik ko kinalunesan. Konting palit ng title block sa slfm tapos konting kunyaring basa para sa meralco. Sakto, 4-day workweek at 26 pa yung holiday.
7month celebration, simpleng mga dinner lang at konting tampuhan-bati. Next month, mag-a-adjust na sa kung paano ipagdiriwang ang 3-day celebration.
Pahabol celebration yung moa date. Dahil walang mahanap na winter jacket, sumakay na lang kami sa sm eye (yun nga ba tawag dun) at nagbumpcars. Nag-dinner tapos sinundan sina kuya jo para sa tshirt sa walter at nagpractice onti at final meeting bago ang teambuilding kinabukasan.
Sabado-linggo, matagal na akong hindi nakakasama sa team building talaga. Nakakamiss yung ganung mga bagong activity. At panalo rin kasi may balance ng productivity at pag-e-enjoy. Swimming at videoke, ang saya. Buti di namalat ang boses. Tila konti ang tulog pero masarap.
Extended ang oras namin pero sulit. Panalo ang new smp-sip. Pagod-pagod na nga lang pagdating sa misa pero buti kinaya. May mga natira pa namang hindi paos at nakakatuwa na kumakanta pa rin ang mga kami kahit paos o hirap huminga.
At kagabi, kailangang bumalik ang focus sa direktang pamilya ko. Habang kumakain kami nina mhaelord, amelia at kuya jho sa pancake house, tinawagan ako ni papa. Umuwi ako dahil isusugod sa ospital si mama. Pinagdarasal ko ngayon ang mabuting kalalabasan ng kanyang operasyon. Unang beses akong nakasakay sa ambulansya kagabi. Mabuti at andito si tita para alalayan si mama mula nung sumakit ang tiyan niya nung hapon hanggang kagabi sa ospital.
Sumama ako pero marami akong ginawang paghihintay dahil si tita at si papa na ang bahalang umasikaso. At least andun ako para magpakita at naramdaman naman sana nila ang suporta ko. At panalo rin ang suporta ni mhae at amelia na hinatid ang natira kong pagkain at tira din ni mhae. Buti na lang daw naiwan niya susi niya sakin kaya pumayag akong sumunod siya. Yung delivery niya ang dinner namin nina papa at tita.
Magaan ang pakiramdam kong nakita kong ngumiti at mas ok na si mama. Sinundo ni tito nonong kami ni tita chato kaninang mga 1am. Nasa operating room na si mama ngayon. Mayang onti, aalis na kami ni ate papunta dun.