ang buwan na 28 lang ang araw
patapos na ang pebrero. ilang oras na lang. pag ganito, bumibilis ang takbo ng oras. sana nga bumilis pa para october/november na.
sa pagpasok ata ng pebrero inalis ang braces ko sa upper teeth. naka-retainers na ako. mag-iisang buwan na pala yun.
isang (kulang) na buwan na rin pala mula nung audition gig ng tinola (bilang random beings) sa saguijo. nung january 31, ok din yung araw na yun kasi bago yung gig, nakasimba ako at nakapangumunyon sa pista ni don bosco. at kasama kong nagpunta sa gig si jeff at andun din si cholo.
halos dalawang linggo bago yun, party naman sa bahay kasama nina venjo+1, dogi+1, miro, yaluts, at goey. tapos noong gabi, smc naman. ibang klaseng pagkakumpleto din yung birthday week na yun kasi may kasamang tampuhan pero ang masaya dun, nagkasundo agad.
bago nagsimula ang kwaresma, naka-dalawang inuman sabado rin ako kasama ang SMC. at nadiskubre din ang bagong makakainan ng maraming pancit. para sa akin, gumaganda ang quality ng song ng SMC pero kinakapos pa rin talaga sa mga member. medyo nababawasan na ang gana naming magpractice. papasok din ang mga joint choir practice kaya medyo mawawalan kami ng oras. kataon, pumunta pang cebu si madam president kahapon.
dumaan ang valentine’s day na medyo bitin. pero araw-araw naman, valentine’s day sa skype. masaya rin bilang anniversary nina mama at papa. nakatulong din ako sa street Mass kinagabihan. isa sa mga fulfilling na mga araw.
naka-dalawang beses din ata ako sa site nitong feb. at naka-dalawang gimik din kasama ng mga kaopisina—post-bday ko at despedida ni krist.
nangyari naman nung feb10(?) ang isang busy sunday—dalaw sa sementeryo para sa death anniversary ni ninang frocie, nagninong ako sa binyag, tinola jam, at syempre, sunday Mass.parañaque to mandaluyong and back to makati.
mahigit isang buwan na rin ang xperia ko na wala sa akin. 2 weeks ago yata nung tumawag ako sa service center at isang buwan pa raw bago dumating ang replacement board. tila hindi ako naaprubahang bigyan ng service unit. hindi na gumagana yung acrobating usb charging ng elm ko sa pc. buti dumating ang bluetooth 3.0 dongle na binili ko sa ebay nung january. 150+40 pesos. pwede na. ok ang bluetooth link ng elm sa desktop at nakahanap naman ako ng panibagong acrobatic charging position sa headboard gamit ang wall charger at cellphone seat.
naabot ko na ang halos 69k worth ng pc-69 pero may panibago rin akong pc dito, ang sli-rebuild. nabuo ko na salamat sa elite 361 na binili ko sa malapit kina goey at dinala nang naglalakad mula pasay road. nasa ibabaw ngayon ng pc-69 pero mukhang dapat ilagay ko sa likod ng monitor. ililipat ko na lang ang mga box sa bagong case box. labo nun, ah. haha.
at nagugutom na ako. mamaya pa naman ata mag-o-online si mhaehal ko. hindi ako na-late ngayon at kahapon pero late (yata) ako nung friday at late ako nung lunes. 1 minute. medyo bitin kasi nakatulog ako agad kagabi dahil na rin siguro sa pagod sa paghihintay sa may shopwise para sa dvd writer na hindi ko pa nakakabit sa sli-rebuild.
sayang, hindi ko nadala at nagamit kagabi ang nag-e-expire ngayon na chowking promo stubs. buti yung sa mcdo, nagamit ko yung bigay sakin ni jonas na free coffee for monday. at makalipas ang hindi ko na maalala, nakakain din ako noon ng sausage mcmuffin.
bago matapos ang post na ito, naapansin ko ang kawalan ng linearity ng mga pangyayari. naalala ko nung binalita ko kay mhae ang operasyon ng mama niya. madaliang deposito at mga update txt. kinwento ko kay mhae pagkatapos ng successful operation. pabaliktad ko kinwento sa email niya para hindi na kabahan o kung ano. salamat sa Diyos at maayos na. lab results na lang.
at bago rin matapos ang buwan, kagabi, nakapag-tweet ako ng thank you kay Pope Benedict XIV. sa kanyang resignation, hanggang ngayon na lang siya. nawa’y patuloy siyang pagpalain at ang susunod sa kanyang pwesto.
kung may feb 29 lang bukas, anniversary ng isa sa mga turning point sa buhay namin. buti talaga at naglakas loob nun. sobrang panalo pala ng isang taong nagdaan.