vacation mode april (part 2)
balik opisina matapos magpahinga nang sabado at linggo. medyo nagiging seryoso (o mas nagkakaroon ng pangangailangang magseryoso) sa project sa opisina, pero hindi maipagkakaila ang pagka-excite ko para sa outing sa darating na sabado. pero bitin sa pahinga at tinatamad pang magtrabaho, panalo talaga na holiday kinabukasan. pahinga mode uli.
miyerkules, nakipagkita ako sa isa sa mga tinulungan kong mapuan para kunin ang bayad dun sa ginawa ko. ok yun, dagdag stability pangontra sa mga darating na cash out. huwebes, nakabili ako ng spare battery para sa xperia ko (na nung ginamit ko na, hindi rin nagamit ang +/- 90 percent charge. dapat ata dinrain ko muna bago ko inunang charge. ok lang. kahit papaano, nagamit naman.) biyernes ng gabi, nag-empake na ako at nagtungo kasama ni yaluts kina dogi. special mention, hinatid kami ng mga magulang ko. hehe. baby.
umidlip-idlip ako nun sa harap ng pc ni miro. nakapag-skype muna panandali para makita’t makausap ang mhaehal ko bago ang trip dahil walang internet/siguradong power source sa pupuntahan. ayokong matulog sa kama, e. hehe. ilang oras pagkaraan ng estimated time of departure, nagtungo na kami sa zambales.
medyo energetic akong tinulungan si kevin na manatiling gising kasama ni goey at venjo habang tulog sa tabi ni venjo si cez, tulog sa likod sina dogi at ced, at patulog-tulog si yaluts sa front passenger seat. pagkatapos ng stopover sa chowking, dun na ako sa likod at natulog na unan ang sleeping bag habang akap ang bass speaker ng crosswind nina kevin.
pagdating sa destinasyon, iniwan ang sasakyan sa Luzon at nagbangka papuntang Magalawa Island. setup camp, pasaing ng 2kilong kanin (na hindi rin namin naubos hanggang kinabukasan), lunch, at swimming sa ma-seaweed na mababaw na dagat. syempre, reporting maya’t maya. hehe. theme song ko nun, wish you were here ng incubus. pagkatapos ng hapunan, naappreciate ko ang public restroom doon sa isla. nang bumalik na ako sa campsite para samahan sila sa inuman / joey’s hotseat session, hindi na ako nakatangging uminom at hindi na ako nakainom ng ventolin. oo nga pala, pakiramdam ko hinihika ako nung linggong iyon mula nung bumlik ako mula Bicol. buti na lang at umayos din pakiramdam ko. easy inuman ng whiskey sa nakalatag na dalawang sleeping bag sa beach. ibang klase talaga, ang sarap kasama ng mga kabarkada ko.
at bumuhos ang ulan. takbo sa mesa/tambayan namin. maya-maya, takbo na sa tent. naging refugee tent ang red tent dahil hindi pala water proof ang party tent. ako na naman ang unang nakatulog. mga 3am, tumawag si mhae. lumabas ako ng tent at sinagot. kwento konti sa ginaw. maginaw nun. may halong panghihinayang na sa telepono/skype lang kami nagkausap pero hindi mawawala ang tuwa na malayo mang, parang kadikit lang ng pisngi sa lapit.
noong umaga, tumambay kami nina dogi, venjo, kevin, at goey sa floating tambayan hanggang sa mag-aagahan na. pagkakain, hindi na ata ako lumublob at naging taga-document na lang ng jellyfishing nung apat habang nagkatambay with technology sina ced at si yaluts at hindi ko alam anong whereabouts ni cez noon. maya-maya, nasa tent na ako, tulog. pagkagising, malapit nang mag-12 at aalis na kami. nag-bathroom requirements ako at tumulong sa pagliligpit. nang maka-pa(c)k up na at dumating na ang bangka, group picture muna tapos alis. ayon nga kay venjo ilang araw pagkatapos, “another one for the history books.”
pagbalik sa Luzon, naglinis ng mga mabuhanging paa at nag-ayos ng mga gamit sa sasakyan, tapos biyahe na uli. kasama na namin ang mga nahuling dikya. syempre, iniwan na namin ang sinunog ni venjong dikya. naawa ako pero naisip ko, bahagi lang yun ng vendetta niya. sana hindi naman makasama sa mga species ng dikya ang ginawa nilang panghuhuli. at namatay na ang xperia ko. wala. oh well. tumagal naman ng 8 hours yung spare battery. pwede na rin.
nag-stopover kami para tingnan ang kumakalampag sa mga gamit sa ibabaw ng kotse at kumain ng ice cream. hindi naayos yung kumakalampag na marahil ay galing sa bag. tumigil kami isang beses pa para tumingin ng mangga pero walang natripan. isa pang stopover, nakabili na ng mga pasalubong. bumili ako ng 35pesos na mga singkamas na bilin ni mama. naalis na rin ang kalampag ng strap ng bag nun.
nag-celebrate kami sa subic sa xtremely xpresso. challenge ang pizza. sakto, yung dalawang xtreme size na pizza, 6 na slice ang natira dun sa isa at 9 sa isa. smooth riding na nun pauwi. binaba namin sina dogi at ced sa bahay nina dogi. sumunod na dropoff sina venjo at cez sa kfc/caltex/petron. doon na ako sa SIP nagpababa bago ihatid ni kevin sina yaluts at goey. panalo, nakaabot pa ako sa 8pm Mass. ang sarap. next year uli. sana kasama na si mhae next year.