Avocados

mga piling araw

Name:
Location: Makati, Philippines

Ignorance is bliss. I'm often better with numbers than with words. Notes... maybe. I am quite deaf and rather silent. I let my music compensate.

Monday, March 31, 2014

turning points on month 3

maraming pagbabago sa mga nagdaang taon ang nangyari sa buwan ng marso. marahil ang pinakapanalo para sa akin ay ang pagbabago dalawang taon na ang nakalilipas.

ang mga katapusan ng klase noong elementary at high school ako, marso nagtatapos. mas turning point ata mga yun kaysa pagsimula kasi mas ramdam. mas may katuparan, may level up.

pagdating ng college, medyo naiba kasi simula ng abril karaniwang natatapos dahil sa trimestral system. pero sa mga panahong iyon, walong taon na pala ang nakalilipas, noon kami nailigtas sa sunog. may mga paalalang nawala, natupok ng apoy o nasira ng tubig, pero mula noon, nagsimula ang mas pagpapahalaga sa mga bagong alaala.

noong isang linggo, ipinagdiwang namin ni mhaelord ang dalawang taon namin bilang magkasintahan. sa lahat ng march turning point, ito sa ngayon ang pinakamasarap. kinabahan nga ako na baka sumablay sa 3-day celebration namin, ni hindi nga ako nagkaroon ng pagkakataong bumili ng mga bulaklak, pero masaya pa rin. salamat din sa kanya na very appreciative and very giving.

sa ibang medyo mas maliit na bagay, matagumpay kong na-cancel ang loan ko sa citibank. nadaan sa bola pero buti nabawi rin. nakapag-extend din kami sa batasan project. napasa na ang tier 2 report. magulo pero pwede na. sana lang, matapos na talaga bago matapos ang abril.

sa makalawa, maglalakad na ng mga papeles sa adamson si mhaelord. isa na ring turning point sa buhay ko ang pagbayad niya ng unpaid dues niya noong nakaraang linggo. malapit na ang panibagong chapter sa buhay namin kung saan magiging estudyante na uli siya. panibagong mode ng pagiging supportive boyfriend ito. sa mga nagdaang supportive boyfriend role, masaya naman ako at sulit na sulit. swerte talaga. ay, mali, pinagpala pala talaga.