Avocados

mga piling araw

Name:
Location: Makati, Philippines

Ignorance is bliss. I'm often better with numbers than with words. Notes... maybe. I am quite deaf and rather silent. I let my music compensate.

Saturday, May 31, 2014

Almost the Last Day of Summer on the 31st of May

Parang ang bilis ng summer ngayong taon. Baka dahil na rin sa late nag-Holy Week.

ilang minuto na lang, June na, at minamadali ko tuloy ang post na ito. bakit ko nga ba minamadali? ah, oo nga pala, busy kasi kaya ngayon lang naka-post. busy sa pagiging busy talaga at busy sa pagpapahinga sa pagiging busy.

apat at kalahat ang weekend nitong buwan na ito. mukhang nasulit naman din kasi sa lahat ng weekend, may nagawang masaya. may mga sablay nga lang na medyo malaki. ayun, hindi pa pala nakakabawi. isa sa mga short term goal para sa june, kailangang makapangumpisal dahil sa hindi pagsimba at matagal na rin akong hindi nakakapangumpisal.

bale nung May 3, kaarawan ni papa at nag-antipolo kami. masaya kasi 1st time makasimba ni mhae dun.

May 10-11, nag-bakasyon kami. dun sumablay kasi di nakasimba at di rin nakapagdiwang ng mothers’ day. pero kahit papaano, masaya pa rin. at yun nga, babawi rin.

sumunod na linggo, bday naman ni Ate. maliit na bahagi ng weekend pero panalo.

last week ang siya namang pagdating ni aboy sa nilipatan ni mhae at simula ng sandaling bakasyon ni unang.

at kanina, fashion show ni mj tapos star city tapos ang pagbabalik ni kuya jo sa praktis.

may nauso o nauusong 100 happy days sa internet. kailangang i-document. di ko kailangang gawin yun. umaabot ng 366 ang happy days ko sa isang taon. kahit may konti o malaking dahilan para maging hindi masaya, meron at meron pa ring ikatutuwa sa araw na iyon at sapat na iyon para maging 1 happy day. summer days, rainy days, happy days.