go for clutch time on the 4th quarter
Ang bilis at medyo nakakapagod ang Setyembre. mukhang maganda ang simula, inisip ko pa na dapat the best ang birthday month ni mhae. una, pangalawa, pangatlong araw, mukhang ok. tapos nangyari ang SMC drama of 2014. di ko mabalikan ngayon pero at least naayos na yata. nagngingitian na ang mga tao at wala na akong nakikita at naririnig na masasamang salita. salamat kay Jeorge at Marly na nakita ko noong isang araw na magkasundo kahit ilang linggo bago yun ay matinding nakikipaglaban sa magkabilang panig ng magkakaibigang hindi nagkakaunawaan. ang malungkot lang ay ang pagkakataon din na yun ay habang may sakit si ara. pero salamat din dun at nabawasan ang natitirang pagdududa ko sa pagkakaayos nila, namin.
ang sarap ding makita at madama ang pagtulong at pagpapahalaga ng mga magulang ko sa pamilya ni mhae. mula sa paghatid sa amin ni papa ko sa emergency at pagtulong ni mama ko kina mhae kinabukasan nung kailangan nang i-confine ang kapatid niya, at sa patuloy na pagkamusta at pagdarasal, nakakapawi ng pagod.
busy at nasabayan ng emergency ang 2.5 year anniversary namin ni mhae at 26th birthday niya. ako, nanghinayang kasi di ako nakapaghanda ng regalo na gawa ko. mangiyak-ngiyak ako nung natuwa siya sa simpleng picture ng hugis pusong gawa sa mga balot ng KitKat mini na pasalubong niya sa akin. ang palad ko rin sa kanya na pinapahalagahan nang matindi ang pagdamay ko sa kanya. para sa akin kasi, automatic na yun. pero kung paano niya ako pasalamatan, lalong nagiging madali ang lahat.
sa opisina, mukhang nakakabawi naman ako sa pagsisipag kahit nakukulangan pa rin ako at malamang pati ang mga kasama ko. nagsisimula na uling uminit ang ulo ko pero buti hindi tumutuloy dahil tila mas na-gets na ng mga kasama kong sina jonas at tristan, kung paano ako pakitunguhan. sana pagbalik ng boss namin pagkatapos ng isang buwang bakasyon niya, magpatuloy ang pagsisipag ko. totoo nga, mas nakakagalaw ako na wala ang boss ko. sana masubukan/mapilit at magawa ko pa rin pagbalik niya. parang clutch time sa basketball.
sa susunod na quarter ng taon, kasama dun ang Kapaskuhan. naka-aga na ata ako sa pisikal na regalo sa sarili ko sa T100 ko. sana sa clutch time, mabigyang ko ang sarili ko ng pang-panalo sa pag-unlad ko bilang tao.