Avocados

mga piling araw

Name:
Location: Makati, Philippines

Ignorance is bliss. I'm often better with numbers than with words. Notes... maybe. I am quite deaf and rather silent. I let my music compensate.

Sunday, November 30, 2014

3, 2, 1, new start

pinagdiriwang ang buwan ng nobyembre na inaalala ang mga yumao. sa pag-alaala sa mga nagdaang buhay, mukhang ang nangyari ngayon para sa akin, naging parang new year sa akin.

sa trabaho, may bagong scheme sa project. disyembre na pala bukas. kung tutuusin, dapat pala may bagong natapos nang project pero tila bagong simula. hindi naman karekla-reklamo yun kasi mas maganda at mas mapapaganda pa ang gagawin.

sa SMC, may bagong buong pagsasama at mukhang mas gaganda pa ang tunog. sa grand choir, tapos na ang mga ensayo ngayong taon at sa enero na uli ang paghahanda sa pagdating ni Pope Francis.

sa bahay, masaya ang birthday celebration ni mama. masaya rin ang pahinga kahit hindi masyadong umaayos ang kwarto ko.

sa aming pagsasama ni mhae, lumalabas ang paging sobrang sweet namin—halos sabay nagkasakit. nagkasakit ako noong nakaraang linggo, nawalan pa ng boses. si mhae, medyo mas malala kasi kinailangang mag-absent. ako, halfday lang pero kasi na-late ng gising dahil na rin sa gamot.

sa barkada, akong madalas na absent ay kinailangang makasama sa project bohemian rhapsody ni dogi sa centerstage kahit paos (at iyon ata ang nagpawala ng boses). may ikakasal sa december 5 next year.

sa pitaka, medyo lumuluwag pero nakakasulit naman at may pag-asa pa sa projection. salamat din sa paylite buy now pay later at sa feb o march ko pa babayaran ang bagong z1 compact na matagal nag pinangarap at pinaghandaan bago pa ma-announce.

sa paghahanda para sa Pasko, nagsimula na ang project give love. sa mas pagpapakita rin ni kuya jo, mukhang magiging mas musical ang Pasko.

sa liturgical calendar, bagong taon nga ito. sakto nga ata yung new year ko. isa ata ito sa mga sinasabi kong turning point, mas stretched lang. turning time.