Naka-1/2 na ang 2016
Nagsimula ang buwan na nananabik sa bakasyon. Kung tutuusin, tapos na ang tag-araw at tag-ulan na, pero nakarami na rin naman kaming barkada ng outing na hunyo ginanap. Relaxing naman ang outing sa kabila ng mainit na byahe at mainit na kwarto. Konting lublob lang sa dagat at pool ang nagawa namin at hindi na nag-island hopping. Ayos lang, mukhang nakapagsimula si jeff ng bagong trip sa barkada—board/card games.
Dahil sa outing, hindi kami nakakanta ni mhae nang linggo nang umaga pero napunan naman nina froland kasama nina jason ang katungkulan. Kinalungkot ko rin nang kaunti na hindi ko napaunlakan noong kinahapunan si kuya allan. Inaya niya akong kumanta kasama nila sa chapel noong doon kami nagsimba ni mhaelord. Noong sumunod na linggo naman, ako ang mag-isang kumanta sa koro dahil pinagbigyan ni mhae ang mga kaopisina niyang matagal nang nag-aaya. Nakaraos naman. Sa ikatlong linggo, noon kami nakarami ng kasama dahil kumanta rin sina jason, arnel, at aljay. Masarap makapag-voicing uli sa 6:30am Mass. Mukhang sa darating na linggo pa nga lang uli makakakanta sa koro nang 630 dahil hindi naibaba ang clavi noong linggo at pinaubaya na lang namin ni mhae sa cd ang pag-lead sa pagkanta ng taong bayan. Ang sarap ding kumanta kabilang ng mga tao.
Nakadalawang 11am Mass naman ako, noong 2nd week at nitong nakaraan, 4th week. Mukhang kami lang ang nakakanta na may keyboard salamat sa psr ni adette na dinala ni ryan. Binawi ko muna (c/o mama and papa) kanina. At tungkol uli sa pagpapahiram, pinahiram ko muna si Meilin—ang aking Squier na electric guitar—kay henrick para sa rondalla celebration nila next week.
Sa aking choir life, umattend ako ng ongoing formation kasama ng dalawang iba pa at ni kuya yet sa san carlos seminary. Pagkatapos, ipinasyal kami ni kuya yet sa lorenzo mission institute.
Naka-isang proposal ata ako ngayong buwan sa opisina at na-impress ang boss ko. Sabi ko, copy-paste lang naman ginawa ko pero sabi niya maganda pa rin pagkaka-copy-paste. O parang ganun. Effective june 1, nakatanggap ako at ilan sa amin ng increase at naka-bonus noong 27. Level up sa compensation, level up din dapat sa performance. Nakakatuwa rin na level up ang semp sa pag-aayos ng floor. Marami nang naayos na pintura at nasimulan na ang mga paglipat ng mga pwesto. Mukhang may dalawang linggo pa bago matapos lahat pero mabilis na rin yun.
Tila naka-formulate ako ng hindi masyadong strict na lunch choice requirements sa isang linggo. Fastfood, bulgogi, tipid, baon, baba/chubsters/salcedo grill. Dahil hindi strikto, mas nava-vary ko pa ang vairation na.
Sa wakas, nakapagpa-pizza na rin ako sa semp para sa aking 9 years sa dccd. 16 na pizza yun salamat sa shakey’s supercard ni mhae. Ang mga mas maliit na meryenda naman sa umaga at hapon, nakakatuwang mister donut double bavarian, ilang pabaon ni mama, at nakapag-whammos din ako na nabili ko sa 7eleven dito sa kanto ng evangelista at pasay road.
Naka-dalawang sine kami ni mhaelord ngayon hunyo at marami-raming lakwatsa. Sinusulit ang bakasyon niya sa school. Nakapag-amici uli kami matapos ang maraming buwan at nakapag-book na kami para sa palawan trip namin kasama sina gengen at tijmen at kr sa disyembre.
Maraming geekery halos ngayong buwan na may kinalaman sa anime at ang tanging tech fail lang ata ay ang kailangan nang palitang cmos battery ng sli-pc. Mas may motivation na rin akong ayusin na at i-upgrade ang main pc ko.
Mapagpalang hunyo. Kung bibilangin ang buwan, naka-kalahati na ang taon. May magulong pag-asa sa pilipinas ngayon. May mas malinaw akong pag-asa sa buhay ko. Sana mas nga mas gumanda pa ang mundo para tuloy-tuloy ang pag-asa at pagkamit.