Normal na Paganda, Parang 4x4…?
Nagsimula ang buwan sa isang MOA trip dahil sa pinabibili ni gengen kay mhaelord (na meron pala sa waltermart). Ayos lang, nakabili naman kami ng mga chucks, 10% off, may premyo pang sm gift check. Nagsimula na rin ang pagsosolo ni mhae sa apartment dahil sa bakasyon na nina aboy at bonbon at sa boyfriend na namamalagi si kr—minsan na lang sa apartment nina mhae. Patuloy ang joint choir practices na tila nama-manage naman namin nang maayos nina pj at mike ruga habang pinamamahalaan naman ni pres froiland ang rondalla. Sa opisina, napaubaya na namin sa accounting ang pag-aayos para sa billing sa masinloc na isang buwan ko ring tinapos. Nagsimula rin ang madalas na malakas na lindol sa pilipinas. Mas isang pagkakataon na nasa amin si mhae, gumagawa ng assignment sa laptop, lumindol. Di ko alam talaga kung anong tamang reaksyon ko sa lindol, pero bilang structural engineer na medyo binasa ang asce-31 at -41, mahalaga ring isipin ang non-structural components na pwedeng mas delikado. At sa wakas nga pala, nakuha ko na ang PRC ID ko at ni king sa robinson’s place. Napaaga ang dating ko, medyo nanghinayang kasi hindi rin makakapunta kay mhae sa school. Nakakaaliw kasi ang bilis. Hindi ko alam kung dahil maaga ako, o dahil mabilis lang talaga. Nakapagpamedical pa ako nung hapon habang nasa raon sina mhae para sa feasibility study nila. Nagsara ang unang linggo ng Abril (sabado) sa isang parish ministry leaders meeting na medyo na-bore ako pero natuwa pa rin ako kasi kasama (kahit hindi katabi) ko si mama. Nakakatuwang isipin na magkatulad kaming naglilingkod sa parokya. Kinagabihan naman, natuloy din ang music ministry recollection.
Holy week. Maayos naman ang pagkanta namin ni mhaelord sa mga Misa sa Linggo ng Palaspas. Lunes, medyo naging hassle ang mga ensayo. Mas napapagod na ako kahit kaya pa. buti kinaya naman. Parang sumobra na rin—hindi na kami nakasama sa parish recollection—pero parang kulang pa rin talaga kaya ayos lang na lahat ng gabi hanggang miyerkules santo, ensayo pa rin. Sa trabaho, marami-rami namang naisarang review report at natapos na rin ang tender sa nbaq4 project—hintayan na lang ng award. Sana panalo. Bago matapos ang Miyerkules Santo, dahil halfday sa opisina, mapalad akong makapangumpisal sa Greenbelt Chapel. Pagdating ng Huwebes Santo, kahit late-late ang mga tao sa practice, natuwa naman ako sa mismong pagkanta. May ilang sablay noong Biyernes Santo, pero pagdating ng Easter Vigil, masayang-masaya ang pagkanta. Sulit na naman ang pagod sa pag-asiste sa mga ensayo. May bonus pa na mini-formation si Fr. Ting tungkol sa diwa ng Sabado de Gloria. Panalo rin sa sweet moments kasama ni mhae. May dagdag na halaga talaga sa amin ang mga mahal na araw. Pagdating ng linggo, madaling-araw, imbis na dumeretsong uwi galing sa paghatid kay mhae matapos ang “noche buena” sa amin, humabol pa ako sa easter party kina kuya alan. Inumaga sa pakiki-jamming (at konting inom) kasama nina henrick, pao, at marami pang iba, with special participation of kuya toyet. Siyempre, para hindi late magising, hindi na lang natulog. Nagpahatid ako kina mhae para gisingin siya para makapag-serve kami. panalo. Nakapag-11am naman ako kasama nina gab at aljay na mga puyat din. Dahil tapos na ang kwaresma, nakapag-softdrinks na ako. Nag-isaw na rin nung hapon, umisa si papa, at ibinili ko na rin ng laman/bbq si mama.
Bagong panahon sa kalendaryo ng simbahan, ang bilis ng pagpasok ng panibagong blessings…sana. Hindi ng lang natuloy ang napag-usapan namin ni arnel (dci) at nung isang senior niya (na taga-bangkal din ata). Di bale, bawas problema. Sa sportsfest naman, nabawi namin ang ranking sa chess dahil na-default na naman ang CW (na una nang na-default sa ENE kaya lumamang sa ranking). Sa sumunod na lunes nga lang ay mahahassle kami dahil sa ka-ewanan habang wala ako sa opisina. Ayoko nang isipin ngayon. Ang malaking pangyayari sa opisina ay ang pagbalik ni boss dan. Yehey! Bawas sa stress sa responsibilidad na iniwan niya sa amin…na kung tutuusin, kinaya naman. Kabado lang siguro talaga. Patuloy naman akong natutuwa sa kasipagan ni mhae at sa kaunti kong nitutulong sa kanya kasama na rin ng pagiging sulit nung laptop namin. Nagsimula na rin akong bumili ng parts para sa ryzen build ko. Nakipagkita ako sa chowking rufino-delarosa sa isang tpc member na naunahan ako sa pagbili ng g.skill 8GBx2 DDR4-2400. nakatipid ako ng 200 sa original posting at mga 2k sa common price. Napaayos ko na rin ang sapatos ko sa mr. quickie kahit binalikan ko kasi kailangan palang palitan din yung takong (hindi lang yung rubber, pinalitan din ng kahoy yung plastic pala na takong). Ang kwarto ko naman, nagsimula namang umayos kahit gumugulo pa rin talaga. Dahil sa wala nang mga joint choir practice, nahahabol ko na rin ang mga tv show ko sa gabi. Parang back to normal but better ang linggo, kasama na dun ang araw-araw na pagsabay kay papa papuntang opisina. sa barkada, wala masyadong pangyayari bukod sa bday ata ni goey at ni venjo at yung pagkagulat naming 3 years nang kasal sina venjo at cez. Sa choir naman, nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko sa pemc pagkatapos ng 11am Mass. Ang pagtatapos ng linggo ngayon, ang pagkasira ng harddrive ng laptop—hindi ma-detect sa bios. Nakakatuwa si mhae, napigilan niya akong mabadtrip nang sobra kahit sobrang lungkot din niya. Gagawin ko sana yung layot nila para sa feasibility. Nagawa ko naman sa desktop (na akala ko ay makupad) bago mag-Wednesday para magamit nila. Naaliw naman ako at matagal na rin kasi akong hindi nag-cad. Nakakuha pa ako pagkatapos ng standard blocks kay fed na gagamitin ko sa pag-update ko ng layout nila.
Nag-absent ako nang lunes para madala namin ni mhae sa service center sa megamall. Inuwi pa rin namin para makapag-backup ako kahit konti lang naman ang iba-backup. Sa pagpunta namin sa megamall, sa wakas, nakapag-zark’s din kami. the greasier, the better. Panalo. Tama nga yung pananabik namin sa zark’s. at hindi lang basta sulit, kasi hindi naman talaga pala kamahalan ang presyo. At ayun na nga, nagka-ewan-ewan sa chess sa office. Maliban sa problemang yun sa opisina tuloy ang trabaho. Sinimulan ko ring gamitin pa ang mga natitirang undertime at budget sa leave, una (undertime), para makapagpadentista, at pangalawa (leave) para makapag-mrt-3-2-1 trip ako para sa techie stuff. Matagal din akong hindi nakapunta kay dra beth dahil sa ka-busy-han sa music min at sa opisina habang wala si boss dan. Ngayon na lang ata uli ako nasaktan sa paggalaw ng ngipin ilang araw matapos ang adjustment. Ang mrt-3-2-1 trip ko naman, para sa pagdala ng laptop sa megamall para sa warranty at pagpunta sa gilmore para sa ryzen build. Excited na ako nung nakuha ko yung motherboard hanggang sa namroblema ako na hindi ko pala mabibili yung ryzen 5 na cpu dahil kalangang naka-bundle sa msi o ecs na board. Sumuko na ako at pinagpasa-kung kailanman ko na lang. sinamantala ko na rin ang pagkakataon para masundo si mhae sa school. Tumambay muna ako sa robinson’s place—kumain sa mcdo, nag-ikot-ikot, bumili ng chicharong bulaklak, at nag-ikot-ikot pa lalo. Wala akong nabili. Ok din, kaso hindi ko na talaga nagagamit yung robinsons rewards card. Pagkatapos ng klase ni mhae, nagkita kami sa 7eleven (na luma, may bago pala sa kabilang side ng taft) at umuwi na. noon ko lang pala siya nasundo sa school nang gabi. Nakakatuwa. Nakakakilig. Natuwa pa siya sa binili ko para sa kanyang bulaklak. Dahil holiday nung Friday, nalipat nang Huwebes ang outing—chillax kaming mga naiwan, napa-lunchout pa kasama ni boss dan. Hindi pa nga pala natutuloy ang lunchout kasama ni bianca kasi hindi kami makumple-kumpleto. Nakwento na rin naman niya na aalis na siya sa smart at magpapatulong sana sa steel structures career niya. Napaayos ko na ang phone ni papa kahit nahassle kasi kinailangan kong balikan. Medyo naantala tuloy ang pag-aayos ko ng kwarto. Ayos pa rin, nakuha ko naman ang phone ni papa at mukhang mas ok na rin na black yung harap kaysa yung dating puti, at napa-grocery pa ako nang konti para sa nachos bilang paghahanda para sa pagbabalik ng laptop. Matagumpay ko ring nawalis ang ilalim ng kama, likod ng coputer table. Nalipat ko na rin matapos ang mahigit 10 taon ang laman nung one one na box. Natagpuan ko rin doon ang mga nawawala kong payslip nung 2012. Kanina, huling kanta ko nang regular nang 11am. Nagsolo ako. Wala namang hinanakit, pagod lang. nagdesisyon na akong ipaubaya na sa iba ang pagkanta sa Misa nang 11am mula sa darating na linggo. Masarap ang sofa-tulog ko ngayong weekend—kahapon, si papa sa kabilang sofa, kanina, si mama naman. Nakapag-dinner na rin kami ni mhae sa wakas ng uling roasters chicken. Masarap din, hindi lang basta pwede na. false advertising. Hahaha.
Kahit may mga sablay, tama nga yung naramdaman ko ngayon buwan—back to normal, but better. Edyo magulo no? magulo nga, pero maganda. Sa papasok na buwan, kahit bukas pa lang o itong papasok na linggo, maraming inaantabayanang maganda—pagkumpleto ng Lego double-decker couch transaction, pagbili ng bagong electricfan (kasi bumigay na yung electricfan ko), pagpunta bukas sa Antipolo, planong family swimming, pag-claim ng naayos nang laptop, posibleng pagbili ng ryzen 5 na wala sa bundle. Mas maganda nga, at normal, kasi normal naman talaga dapat ang pagganda ng bawat araw.