release
naospital ako dahil sa dengue noong friday. sa wakas, nakalabas na rin. nagsimula ang lagnat martes ng umaga. lumabas ang rashes huwebes ng hapon. malungkot, nakakangawit, nakakakaba, mahirap. pero salamat sa pag-aaruga at pagdadasal ng mama at papa ko at ng mga kaibigan at kamag-anak, hinahabol ko na lang ngayon ang natitirang kulang na platelets sa bahay.
baka bukas, simulan ko na ang paghahabol sa mga kailangang gawin sa school. bukas na rin ako magsisimula sa bagong taong bagong buhay. bagong buhay nga.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home