Avocados

mga piling araw

Name:
Location: Makati, Philippines

Ignorance is bliss. I'm often better with numbers than with words. Notes... maybe. I am quite deaf and rather silent. I let my music compensate.

Saturday, November 10, 2007

Exaggerated Melancholic Obsession

may nabasa akong isang post sa LJ ni neobie tungkol sa 10 recent happy things. parang ganun. kokopyahin ko sana kaso parang wala rin akong mailalagay na masaya. aww... emo. haha.

naalala ko yung sinabi ni venjo tungkol sa emo culture ngayon na may patungkol sa pagkukunwaring malungkot. tingin ko, hindi naman ako ganun. at hindi rin naman ako nag-i-indulge sa aking kalungkutan. siguro hindi nga ako emo. ewan. labelling.

di ko rin gaanong gets kung bakit hindi raw ako pwedeng maging emo ayon kina yot at ato. si arun, gets ko kung bakit hindi pwede. ganun ba kasaya ang personality/image ko? o baka madalas ko lang kasama si reggie noon e absolute emo yun. pero mas trip ko namang ma-label as unemoable o parang ganun. (imbento. haha.)

exaggerated melancholic obsession ang isang definition ko sa emo (partly in the tradition of gundam seed). parang yung sabi ni venjo, hindi genuine ang kalungkutan ng mga taong nile-label as emo.

dati, ang binigay kong defintion kay jeff ng emo ay enhanced melancholic opinion para may respeto pa sa opinion ng iba. e pangit pakinggan kaya tinawag kong obsession kasi nakakainis na rin, at para i-promote ko kay jeff ang non-emo o mas optimistic na outlook sa buhay. pero dahil sa poseur culture na kaakibat ng pagiging emo, exaggerated na, hindi lang basta enhanced.

wala lang. tila offensive, a. pero mga ideya lang naman at personal preference. hindi ko naman ini-impose sa iba.

*****

one week to go. ready? hmm... nice question.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home