trial
ganda ng graphics ng nfs hot pursuit. tsaka sarap ng arcade feel. medyo dragging lang yung simula at linear. actually, hindi naman masama yung pagiging linear. mas gusto ko nga yun. walang sayang na oras sa pag-iisip. iniisip ko kung ganito yung experience dati sa nfs hot pursuit 2. anyways, baka medyo dragged ako ngayon kasi hindi pa ganoon ka-exciting yung races at kulang nung online experience. ok nga yung feel ng inu-update mo yung stats mo online. baka sa june, bilhin ko ito. sana meron pa sa datablitz by then.
hindi ko alam gaano kataas ang level ng nagawa ko sa trabaho kaninang halfday. natawa lang ako at iniwan ko ang gamit ko para makauwi nang maaga. naglakad ako pauwi, nag-isaw, at bumili ng action base para sa hg wing 0 custom ko.
masarap umuwi nang maaga. may oras sa sarili at sa pamilya. medyo kahit bitin yung sa pamilya dahil halos nasa kwarto lang din, baka pwedeng mag-improve sa part na yun. tama. masyado akong nahaharap sa pc, nasisira yung posture ko.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home