epic days and nights part 2
biyernes, naghanap ng driving school at hindi napuntahan. at least alam ko na ang pupuntahan ko…sa lunes.
6:00 ng gabi, nagtaxi ako sa papuntang center stage para sumaglit sa bday celeb ni cesar at despedida ni arianne. nilibre ko ata sila. basta alam ko, bumili ako ng cheese sticks at isang bucket ng strong ice. pinaubaya ko na kay tristan ang cash. masayang makasama sa ganung trip sina justin at francis. at si krist, malakas talagang uminom. partida, wala pang kain. pag-alis, nakita ko pa si napster.
nakakuha ako ng taxi papuntang simbahan. ayun, halos magsisimula pa lang ang practice. pero gutom ako. naghanap muna ng fishball pero wala. wala rin ang nagtitinda ng adobong mani. tinapay sa 7eleven at tubig. maayos-ayos naman ang practice. kinaya naman ang tenor parts.
humabol si daisy pagkatapos. dahil gutom ako at gusto pa ng tatlong bond girls na mag-oval, nag-withdraw ako sa bpi-family sa malapit at kumain kami sa mcdo sa mcs. pagkatapos, damo session. walang hithit. umupo lang sa damo. at nagkwento sila tungkol sa smc at sa buhay. si daisy halos ang nagkwento dahil sa siya ang may bagong trabaho.
walang nagronda kaya pasado hatinggabi na kami umuwi. nagkwento sa buhay pag-ibig ni ms.lim at nabigyan ko naman siya ng konting update tungkol sa question mark.
pagkawalay kay marly sa kanto, sa may 7eleven, hinatid ko sina amelia at daisy hanggang sa may kabilang 7eleven. umuwi ako, pagod at nasasarapan sa bakasyon.
nakausap ko pa si mhaelord bago siya bumiyahe kaya nakangiti ako bago matulog.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home