7 hours
hindi ko alam kung 7 o 8 nga. pero nakatulog ako nang ganun katagal sa sala. hindi na ako nakakain ng hapunan o baka pwedeng yung kinain ko sa mcdo na ang hapunan ko. pero syempre, kulang yun. ibang klaseng pagod. pero baka hindi lang talaga ako napigilan sa pagtulog.
ngayon, medyo nagrereklamo na ang sikmura. marami akong dapat gawin sa loob at labas ng trabaho mamaya. kung tutuusin, sana pala kahapon ko na lang inasikaso. hindi ko alam ano yung mismong nakapag-alis ng mga bagay na yun sa isip ko. focused and steady dapat. noted. sige, yun ang isa pang dapat baguhin.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home